top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | December 4, 2023 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 4, 2023

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 4, 2023 (Lunes): Marami ang gagamit sa iyo at gagamitin ka nila sa pagpapayaman dahil may suwerte sila sa iyo. Ang payo ay paunlarin mo rin ang iyong sarili.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maging mapag-obserba ka at talasan mo ang iyong isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-19-20-23-39-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagpaparaya ang sikreto ng maligayang pagsasama. Ang paglalaban kung sino ang masusunod ay bintanang nakabukas para sa paghihiwalay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-12-25-26-34-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Lumayo ka sa mga paladaing, angal nang angal at walang nakikita kundi ang mga mali ng kapwa. Kapag hindi mo sila nilayuan, papangit ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-27-29-30-37.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakasawa ang pagkain na araw-araw na lang inuulam tulad ng mga aktibidad na araw-araw ding ginagawa. Haluan mo ng biro, pagpapatawa at saya ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-10-15-21-23-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magdalawang-isip na alalayan ang mahina na malapit sa buhay mo. Ikaw ay isinilang na malakas kung saan ang isa sa mga papel mo sa mundo ay pahiramin ng lakas ang mahihina. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-16-22-23-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kaysa sumama ang loob mo kapag kasama mo ang pangit magsalita at kumilos, mas magandang magsaya ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-26-27-37-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbababala ang araw na ito na masisira ang diskarte mo kapag hindi mo nagawang makaiwas sa mga taong negatibo ang pananaw sa mundo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-26-34-35-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang manghinayang dahil ang iyong idaragdag na puhunan na sa biglang tingin ay mababalewala lang. Sa totoo lang, sa huli ay magbabalikan sa iyo ang malalaking pakinabang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-26-27-30-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bakit mo aawatin ang iyong sarili na tutukan pa ang paano mas uunlad? Hindi masama ang maghangad, lalo na kung ang hinahangad ay para sa mas magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-28-30-31-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makipagsapalaran ka kahit na sa biglang tingin ay hindi maganda ang takbo ng mga pangyayari. Natatapos ang lahat ng bagay at matatapos na rin ang negatibong nagaganap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-19-21-24-27-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang mga pangyayari dahil kahit wala kang gawin, gaganda ang iyong buhay at kahit makagawa ka ng mali ay ganu’n. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-16-22-28-30-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humingi ka ng payo at tanggapin mo ang katotohanan na may mga mas maalam, marunong at may karanasan kesa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-16-29-30-39-41.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page