top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | December 30, 2023 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 30, 2023

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 30, 2023 (Sabado): Dadalhin ka ng iyong kagandahang-loob at kabaitan sa iyong pangarap. Ibig sabihin, makakamit mo rin agad ito. 

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mapapalapit ang puso mo sa mga mas mababa ang kalagayan sa buhay. Ito ang palatandaan na hindi na magtatagal magdadagsaan din sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-21-27-33-39.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi kabawasan ang isang malapit sa puso mo na hindi na namamansin. Isang magandang bagay ito dahil nakilala mo ang tunay niyang pagkatao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-19-26-28-31.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kung sino ang nagpapahalaga sa iyo, siya ang piliin mo. Hindi maganda kung ang magiging basehan mo lang ay kung saan ka masaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-19-22-34-44.

 

CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang mga araw pang darating ay ganundin. Gawin mo na ang gusto mong gawin dahil kakampi mo ang langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-29-31-36-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Lihim kang maaawa sa isang tao. Lihim mo rin siyang tulungan dahil ayaw niya na siya ay kaawaan. Tanggapin mo ang katotohanan na ang buhay sa mundo ay pawang pagkukunwari lamang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-25-29-33-37.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maiisahan ka ng dati nang nakaisa sa iyo. Bawas na ang galit mo sa kanya pero sa sarili mo, todo ang iyong sermon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-16-26-37-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahirap paniwalaan, pero kailangan mong malaman na ang sinumang madikit sa iyong balat, braso, kamay o anumang bahagi ng iyong katawan ay magagayuma mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-6-9-21-24-39.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa iyo ang kabaitan at kasamaan. Ibig sabihin, masarap kang maging kaibigan, pero napakahirap mong maging kaaway. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-7-15-21-24-36.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Akala ng iba, malamig at matibay ang puso mo tulad ng bato. Ngunit, hindi nila alam na sobra ka kung maawa sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-27-33-39-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mababa ang luha mo ngayon. Bilang katuwaan pero isa ring seryosong bagay, kaya mo bang humarap sa taong malapit sa puso mo na sa iyo ay magmamakaawa? Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-14-17-23-26-42.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong habulin ang ayaw sa iyo. Ang totoo, babalik din siya dahil ang pag-ayaw niya sa iyo ay ngayon lang naman at hindi panghabambuhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-18-23-28-34-40

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kasabay ng pagtaas at pagbaba ng mga alon sa dagat, ang mga suwerte ay magsisidapo sa iyo at hindi na aalis sa buhay mo hanggang sa malubos ang iyong kagalakan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-11-20-29-33-38.

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page