top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | December 30, 2021 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 30, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 30, 2021



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 30, 2021 (Huwebes): Itinalaga ka sa matataas na posisyon. Ang pamamahala ay para sa iyo, mahalin mo ang mga nasa ibaba at dapat palaging nakasayad ang mga paa mo sa lupa.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Angat na angat ka ngayon, pero isabuhay mo pa rin ang pagpapakumbaba dahil ang gusto ng langit ay kahit angat ang buhay mo, hindi mo ito dapat ipagmalaki. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-19-20-23-28-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka bibiguin ng langit sa iyong kahilingan, lalo na ang mga kagustuhan mong hindi para sa iyo kundi para sa mga mahal mo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-17-25-27-35-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Makikinig sa iyo ang mga gustong umasenso. Ito ay dahil kakaibang susi ng tagumpay ang maglalabas-pasok sa isip mo, na kung isasabuhay ay marami ang yayaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-28-39-40-42.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi masama na magdamot, lalo na kung ang pagdadamutan ay paulit-ulit na lang. Ikonsidera mo na ikaw din ay may sariling pangangailangan. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-2-11-18-27-33-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi lamang sa gubat may ahas dahil mayroon din sa siyudad. Mag-ingat ka at suriin mo ang mga ikinikilos ng mga nasa iyong paligid. Ang pag-iingat, kahit kailan ay makabubuti sa tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-20-27-32-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka na parang walang mga alalahanin. Magugulat ka dahil mawawala ang iyong mga pangamba at malalaman mo na sa pagkilos, gumaganda ang lahat para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-19-21-25-41-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sa pagpasok ng 2022, kung ano ang gusto mo, ‘yun ang ibibigay sa iyo ng langit. At ang mas mabuting balita, bukod sa mga gusto mo, ibibigay din ang mga bagay na gusto ng mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-17-22-27-30-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka magkakamali kapag sinundan mo ang mga makalumang patakaran dahil ang pagkakamali ay karaniwang kakambal ng mga bagong pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-18-24-28-34-39.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi lahat ay nakukuha ng tao. Gayunman, ang mga hindi nakuha ay puwedeng mapasakamay sa ibang araw. Makuntento ka muna sa iyong makukuha. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-17-21-25-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakamamangha ang iyong katatagan. Marami ang hahanga sa iyo, lalo na ang mahihina at papangarapin nila na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-14-19-25-27-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nababawasan ang mga pabigat sa buhay mo, pero may mga parating pa. Hindi mo sila basta-basta malalayuan dahil ang totoo, ikaw din ay napapasaya nila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-13-17-21-28-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pagdamutan ang iyong sarili. Kahit sa panahon ngayon na kailangang magtipid, huwag mo itong sundin dahil mientras na galante ka sa iyong sarili, ganundin ang suwerteng darating. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-26-28-39-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page