top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | December 29, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 29, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 29, 2023

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 29, 2023 (Biyernes): Napabilang ka sa mga taong mapalad. Ito ay nagsasabing dadating na sa iyo ang mga suwerte.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Labanan mo ang hindi maipaliwanag na lungkot. Sa paglaban mo, makikita mong gaganda na ang iyong kapalaran. Ito ang ilagay mo sa iyong isipan sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-6-17-28-33-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magsisilbing pampasuwerte sa mahabang panahon ang matatanggaap mong bagay na hindi mo binayaran. Simple lang ang kondisyon para gumana ito, pasayahin mo ang hindi mo kakilala. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-24-36-40-44.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Libangin mo ang iyong sarili para hindi ka nakatutok sa isang taong pasan ang mundo. Dahil sa ginagawa mong pag-iisip sa kanyang kalagayan, humihina ang iyong resistensiya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-23-27-32-39.

 

CANCER (June 21-July 22) - Ipagpaliban mo ang paglipat ng tirahan. Maghintay ka ng senyales para sa masuwerteng araw. Kapag may nagpasaya sa iyo, nagsisimula na ang mga mapalad mong araw. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-19-29-34-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kakaiba ang bisa ng iyong panalangin. Kung sino ang gusto mong suwertehin, hilingin mo lang sa langit. Huwag mo itong gamitin sa paghiling ng anuman sa iyong kaaway. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-10-17-26-31-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mapapalapit ang damdamin mo sa mga taong masayahin. Wala namang masama kung kayong dalawa ay magkapalagayan ng loob. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-13-24-27-32-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maraming kaibigan at maaasahan pero sa iyo ay hindi ganu’n dahil mas marami sa mga kaibigan mo ang nagpapasakit lang sa iyong ulo. Magbawas ka ng ilan upang guminhawa ang iyong pakiramdam. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-9-28-33-38-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong ibuhos ang iyong lakas sa pagtulong sa kapwa dahil sa huli, dalawa na kayong mangangailangan ng alalay. Mas magandang panatilihin mo ang mahinahong pagkilos. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-22-29-31-35.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magsuot ka ng masaya at gagaan ang iyong buhay. Magsuot ka ng luma at kupas na, sisikip ang mundo na iyong ginagalawan. Ikonsidera mo ang una. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-21-24-33-36.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makatatanggap ka ng biyaya mula sa langit, kaya ibahagi mo sa iyong kapwa ang ilan. Gawin mo ito nang sa gayun ay masundan ito ng mas marami pang biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-17-22-26-35-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang magpapasaya sa iyo, siya ngayon ang susuwertehin. Ito ay mangyayari dahil ikaw mismo ang magiging masuwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-13-22-28-31-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbabalik ang mga araw na ikaw ay pabigla-biglang bubuwenasin. Hindi lang ikaw ang magugulat kundi maging ang mga taong maliit ang tingin sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-7-16-20-33-34.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page