top of page

Horoscope | December 29, 2021 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 29, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 29, 2021



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 29, 2021 (Miyerkules): Malalaking biyaya ang ilalaan sa iyo ng langit dahil sa iyong kabutihang loob sa mga nakaraang araw. Ito ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lakasan mo ang iyong loob nang sa gayun ay malalaking suwerte ang mapasaiyo. Dahil nakakapanghinayang kapag nakalagpas ang malalaki at magagandang kapalaran sa iyong harapan, lalo na sa mga panahong ito na mapapalitan ang taon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-17-20-23-28-31.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang basta-basta maniwala sa magagandang panukala. Kadalasan, ang pandaraya ay nakukubli sa magagandang salita. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-11-14-29-30-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Kunin mo ang para sa iyo at huwag mong pag-interesan ang para sa iba, pero kunin mo rin kapag wala silang interes sa mga ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-16-21-26-34-37.


CANCER (June 21-July 22) - Aaalayan ka ng langit, kaya kung ano ang gusto mo, hindi ka magkakaproblema kahit pa may ilang kontrabida sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-8-19-21-26-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung saan ka madadalian, doon ka. Huwag kang tumulad sa iba na ang pinipili ay ‘yung dadaan pa sila sa hirap at pagod. Muli, kung saan ka madadalian, ‘yun ang gawin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-29-30-39-40-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bakit ka magpapaawat? Higit kaninuman, ikaw ang nakakaalam kung ano ang mabuti at masama para sa iyo. Ituloy mo ang iyong mga plano, sapagkat sa panahong ito na papasok ang taong 2022, ikaw ay tiyak na magtatagumpay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-15-16-25-30-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumuha ka muna ng lakas. Kailangang manariwa ang lakas mo dahil hindi ito sapat para sa malalaking ambisyon mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-23-30-34-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung hindi mo itutuloy ang iyong plano, masusumpungan mong iba ang gumagawa nito at iba ang nakikinabang. Kaya ituloy mo ito at dapat ay ngayon na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-15-21-23-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malalaking suwerte ang naghihintay sa iyo sa landas ng buhay na iyong tinatahak, kaya dapat ay wala nang atrasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-15-16-23-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makiisa ka sa gusto ng karamihan. Hindi ito ang panahon upang ikaw ay sumalungat sa agos ng mga pangyayari. Muli, makiisa ka sa gusto ng nakararami. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-15-25-29-30-46.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang maganda sa paningin, ‘yun ang piliin mo. Ito ang susi para gumanda rin ang buhay mo dahil ang maganda ay humahatak sa maganda rin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-29-30-31-35-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong habulin ang nawala dahil mas marami at magaganda pa ang darating sa iyo. Ito ay ginagarantiyahan ng iyong kapalaran, kaya paniwalaan mo ang mensaheng ito upang ito ay magkatotoo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-12-25-30-42-43.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page