top of page
Search
BULGAR

Horoscope | December 28, 2023 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 28, 2023

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 28, 2023 (Huwebes): Ituloy mo lang ang pagtupad sa iyong mga pangarap. Hindi ka dapat matinag dahil sa huli, matutupad mo rin ito.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit ano’ng maganap na kalituhan sa iyong kapaligiran, huwag mong iaatras ang iyong hangaring magtagumpay sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-12-27-30-33-39.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gamitin mo ang magagandang ideya na noon pa naisip. Malaki ang maitutulong ng mga ito sa iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-15-18-24-33-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Maging mapanuri ka ngayon dahil hindi lahat ng balita ay tunay. Huwag kang magpapadaya dahil marami ang mananamantala sa takot ng mga tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-23-29-34-41.

CANCER (June 21-July 22) - Matatahimik ka kapag hindi ka umalis ng bahay. Kapag lumabas ka, mag-aalala ka at ang pag-aalala ay nagpapahina ng kalusagan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-7-20-25-37-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Panatilihin mo ang distansya sa mga kakausapin mo. Mas mabuti na ang nag-iingat kasya magkaroon ng karamdaman. Muli, panatilihin mo ang distansiya sa mga kakausapin mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-22-26-28-35.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tuluy-tuloy lang ang gawain mo. Kahit medyo hindi ka sanay na walang alalay, ‘wag ka pa ring huminto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-19-23-27-34.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Puwede namang magsaya kahit nasa bahay lang. Ang mundo ngayon ay moderno na kung saan ang mga nasa malayo ay nakakausap at puwedeng magkuwentuhan ng masasayang mga karanasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-9-12-24-33-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang utos, ‘yun lang ang dapat na masunod. Huwag mo nang pahirapan pa ang iyong sarili sa pagdaragdag ng mga patakaran na hindi naman talaga kasama sa mga iniuutos. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-17-20-29-31.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malaki ang ilalakas mo dahil sa pamamahinga, lalo na ang isipan. Ang mahalaga ay nabubuhay ka sa kalinisan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-18-27-33-39-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli, ipanatag mo ang iyong kalooban dahil walang mabuting maidudulot ang paglalagay ng mga negatibong bagay sa iyong isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-8-13-22-28-37.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag hindi makatulog, ang payo ay magbilang ka ng mga tupa. Sa ngayon, hindi ka mapalagay kaya ang payo ay bilangin mo ang mga nakaraang pagsubok na iyong tinalo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-16-25-34-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kalma lang dahil makakaahon din ang lahat sa magulong sitwasyon. Bawat mali ay itinatama at ang bawat kulang ay dinaragdagan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-19-24-34-38.

 

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page