Horoscope | December 28, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 28, 2021
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 28, 2021 (Martes): Ikaw ay isang sanga na daluyan ng mga grasya mula sa langit. Marami ang mabibigyan mo ng magagandang kapalaran. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pahinga ang kailangan ng iyong isip at katawan. Sa pamamahinga, mananariwa ka at ang kinabukasan ay makakaharap mo nang may bagong sigla. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-26-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi pa tapos ang saya na naramdaman mo sa nakaraan at patuloy pa rin ang mga kasiyahan. Pero kailangang pangalagaan mo rin ang iyong katawan. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-26-29-31-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka pa maawat sa masasayang aktibidad. Ang totoo pa nga nito, sabi ng isip at katawan mo ay ituloy mo lang ang mga bagay na magpapasaya sa iyo. Dahil ang isa pang totoo, ikaw at ang saya ay iisa. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-17-26-28-38-41-42.
CANCER (June 21-July 22) - Limitahan mo ang pamamasyal ngayon. Hindi puwede na halos maubos ang oras mo sa labas ng bahay, kaya ihanda mo ang iyong sarili sa mas marami pang pakikipagsapalaran sa ibang araw. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-15-24-27-35-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - May ilang humahabol pa sa pagkakaloob mo ng mga regalo. Gawan mo ng paraan dahil hindi mo rin naman kaya na makita sila na hindi masaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-22-28-31-37-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag na sigla ang makukuha mo sa mga bagong dating. Marami kang matututunan sa kanilang mga karanasan. Huwag na huwag mong ipagdadamot ang iyong oras. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-19-20-27-31-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kinalilimutan ang kabiguan nang mabilis na dumating ang mga bagong pakikipagsapalaran. Hindi dapat nakatali ang tao sa kanyang nakaraan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-21-25-26-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi puwedeng mabuhay ang tao na nag-iisa. Ang saya at ligaya ay nakukuha sa pakikipagrelasyon sa kapwa. Ito ang isa sa sikreto ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-14-15-29-30-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy kang magsasakripisyo ng mahahalagang oras mo. Ibig sabihin, hindi ka pa lubusang makakapagpahinga dahil nasa iyo ang saya ng iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-21-27-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nag-iipon ng lakas ang iyong mga buwenas. Pero anumang oras mula ngayon, puwedeng gumuhit sa kapalaran mo ang napakalaking suwerte at ito ang ikagugulat ng mga tao sa paligid mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-26-34-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Humahabol pa ang ilang suwerte na hindi nakasingit dahil sobra kang nagsasaya. Kailangang magsidapo ang suwerteng ito sa buhay mo dahil ang mga ito ay para talaga sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-20-23-28-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tuloy pa rin ang payo sa iyo na mas maganda na makapasyal ka sa malalayong lugar dahil may ilang suwerte kang makakaharap nang mukhaan sa mga lugar na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-20-29-32-38-40.




Comments