top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | December 27, 2021 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 27, 2021



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 27, 2021 (Lunes): Magpasalamat ka sa bawat biyaya at pagpapalang sumasaiyo. Paparami pa nang paparami ang mga ito sa susunod na araw kapag hindi ka nakalimot magpasalamat.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw para bitbitin mo kahit saan ka pumunta ang mga makalumang aral sa buhay na ipinamana ng iyong mga magulang. Panlaban mo ito sa hindi mabubuting kasama. Masuwerteng kulaya-burgundy. Tips sa lotto-7-20-21-24-29-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong atrasan ang mga hamon ng kapalaran na nasa iyong harapan. Malalaking premyo mula sa langit ang mapasasaiyo kapag hinaharap mo ito nang mukhaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-24-29-30-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka ngayon sa kilos at isip. Hindi sa lahat ng pagkakataon, nakukuha ang gusto sa bilis. Mas maganda kung magpaplano ka muna bago isagawa ang masinop na plano. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-28-31- 39.

CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang hindi mo gusto, ‘yun ang mangyayari. Pero ang totoo, dahil ang mga ito ay tunay na gusto ng langit, tiyak na makabubuti ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-22-27-36-37-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Gagamitin ka ngayon ng langit bilang ilaw ng isang nawawalan na ng pag-asa. Dahil sa iyo, magkakaroon siya ng sigla, saya at lakas na sapat para muli siyang makapagsimula. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-7-12-16-27-35-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon, hindi man aminin ng ilan, alam na nila na mas tama ka kaysa sa kanila. Hindi na niya igigiit ang mga sinasabi nila dahil mapapahiya lamang sila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-25-28-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gumagalaw ang mga alon na parang nagsasayaw dahil sa ihip ng hangin. Magsisigalaw din sila at sila ay masaya dahil sa iyo, ito ang mga taong ikaw ang inspirasyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-15-16-24-25.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Patak ng tubig sa tag-init ang mga ngiting ipupukol mo sa isang tao na noon pa naghahanap ng tunay na pag-ibig. Huwag mong hayaan na muli siyang malungkot. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-11-18-22-28-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi naman gaanong mahalaga kung ikaw ay paniniwalaan ng mga nasa paligid mo. Ang importante ay tama at makabubuti sa lahat ang mga plano at pagkilos na gagawin mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-17-23-25-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na marami ang magpapasalamat sa iyo. Ang iba ay lihim lang, dahil aaminin nila na ikaw ang kanilang suwerte sa buhay. Magpasalamat ka rin sa nasa itaas dahil ikaw ay patuloy na huhulugan ng mas malalaki pang biyaya mula sa langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-28-30-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Higit kailanman, pahinga ang iyong kailangan at dapat mo ring malaman na hindi lang katawan ang namamahinga kundi ang isip din. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-16-17-21-28-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gamitin mo ngayon ang iyong pandama. Kapag may nakaharap ka, damahin mo kung mabuti o masama ang motibo nila. Hindi ka magkakamali, sapagkat ang pandama mo ay palaging tama. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-20-27-28-35-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page