top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | December 24, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 24, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 24, 2023

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 24, 2023 (Linggo): Ipanatag mo ang iyong kalooban. Anuman ang mga pangit na kaganapan ngayon, ang buhay mo ay gaganda pa rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tumulong ka sa mahihina at kapus-palad. Kapag ginawa mo ito, para mo na ring tinulungan ang iyong sarili at ang mga mahal mo sa buhay na makaiwas sa lumalaganap na sakit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-8-21-24-33-39.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maging alerto ka sa mga kaganapan sa iyong kapaligiran. Mas lamang ang may alam kaysa sa mga walang alam. Ito ay para makaiwas ka sa anumang banta ng pagkakasakit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-11-18-24-28-34.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit malinis na ang bahay mo, linisin mo pa rin ito, para hindi makaporma ang mga bagong mikrobyo at bakterya na mula sa labas na dala-dala ng kasamahan mo sa bahay. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-3-9-12-25-33-40.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kakaiba ang sitwasyon ngayon kaya mas maganda sa tao ang nagdududa at naduduwag dahil mas pinahahalagahan nila ang pag-iingat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-13-20-22-27-38.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon mo sipagan ang paglilinis sa bahay at mga kasangkapan. Mas maganda rin na maging malinis ka sa katawan. Huwag na huwag mong kalimutan na ang kalinisan ay kaligtasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-19-28-31-34-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masama ang maging matatakutin sa panahon ngayon dahil sila ang unang nakakaiwas sa karamdaman. Ang malalakas ang loob ay maaaring manganib ang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-23-37-43-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isabuhay mo ang pagiging matiisin at ang kung ano lang ang mayroon iyon lang ang pagtiyagaan mo. Hindi ngayon ang panahon upang ubusin ang iyong pera. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-9-15-24-21-27.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makuntento ka. Huwag kang maghangad ngayon ng madami. Tanggapin mo ang katotohanan na hindi maganda ang takbo ng negosyo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-19-26-31-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masaya sa labas at dapat na makisaya ka. Ang taong masiyahin, sa ayaw at sa gusto niya, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran siyang naaakit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-16-20-25-29-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang tamang panahon upang ituloy mo ang naiisip mong negosyo. Kapag nagtuluy-tuloy ka at sumugod, tuluy-tuloy din ang iyong pagyaman at pag-asenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-14-22-26-38-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sa paskong ito, ‘wag ka masyadong dumikit sa mga tao. Kahit na medyo malungkot ka sa pag-iisa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-18-24-33-39-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipanatag mo ang iyong kalooban dahil gaanuman kakapal ang maitim na ulap, maglalaho rin ito at mapapalitan ng sikat ng Haring Araw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-19-20-30-41.

 

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page