Horoscope | December 24, 2021 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 24, 2021
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 24, 2021 (Biyernes): Araw-araw Pasko sa buhay mo dahil ang magagandang kapalaran ay patuloy na nagdaratingan sa iyong buhay. Magpasalamat ka palagi sa nasa itaas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sino ang higit na mapalad, ang bulag o ang nakakakita ng mga pakunwaring bait at nagbibigay ng regalo, pero umaasa na bibigyan din siya? Ang tanong na ito ay nasa puso mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-12-19-27-33-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi pa umaabot sa todong lakas ang mga suwerte mo dahil nagsisimula pa lang ito at mahaba pa ang araw na ikaw ay patuloy na bubuwenasin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-14-21-23-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Unahin mo ang mga bata, sila ang pasayahin mo nang todo. Dahil ang Banal na Utos ay nagsasabing, mahalin ang mga bata at ang kalakip na pangako ay mamahalin ka rin ng langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-20-24-29-30-33-37.
CANCER (June 21-July 22) - Kung saan ka masaya, roon ka. Huwag mo nang balikan ang nakaraan na nagtiis ka sa malungkot na buhay. Gumising ka sa katotohanan na ang tao ay hindi isinilang para maging malungkot. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-19-22-25-33-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kayanin mo at huwag mong talikuran ang obligasyon na nakaatang sa iyong balikat na pasayahin ang mga alam mong hindi masaya at naghihirap ngayong Kapasukuhan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-17-21-24-39-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ingatan mong mapabilang ka sa maling pagkilos, kung saan nasasaktan ang mahihirap at sumasama ang loob dahil ang mayayaman ay inuunahan pa sila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-12-29-30-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ang totoo, ang mga saya at pagdiriwang ay panandalian lamang at ang mas mahalaga ay ang magsikap para sa ikagaganda ng iyong kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-12-28-32-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakatutuwa ang paraan kung paano ka sasaya ngayong Kapaskuhan. Sa pagbibigay mo ng mga regalo, kahit mahirap ka ay makikitang mas masaya ka kaysa sa mga niregaluhan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-24-38-39-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Naghahanda ang isang malaking suwerte na pumasok sa kapalaran mo. Ito ay mapasasaiyo kapag nakapagpahinga ka at payapa na ang iyong isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-14-28-37-40
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matatanggap mo ang iyong hinihintay at may espesyal ka pang regalo mula sa langit na hindi mo hinihintay pero gustong-gusto mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-23-24-30-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ang panalo sa paramihan ng regalo. Ikaw din ang numero-uno sa paramihan ng regalong ipinamigay. Ito ang patunay na ang langit ay sobrang nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-19-20-23-39-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi man aapaw ang iyong kaligayahan, sapat naman ito para masabi mong mas maganda ang araw mo ngayon at ang mga araw na darating pa. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-11-17-21-28-32.




Comments