Horoscope | December 23, 2023 (Sabado)
- BULGAR
- Dec 23, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 23, 2023
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 23, 2023 (Sabado): Nakakapagod ang tuluy-tuloy na pagsisikap, pero makikita kang walang kapaguran at ang yaman mo ay hindi na mabilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pahinga ang kailangan mo ngayon. Mas magandang sa tahimik na lugar ka mamahinga. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-19-20-24-43-46.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pabayaan ang iyong sarili. Mas okey kung maganda ka sa paningin ng iyong mga bisita lalo na ngayong Pasko. Maganda rin na makita ka nilang masaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-15-26-31-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakakapagod ang magsaya, pero mas nakakapagod ang maging malungkot. Magsaya ka nang magsaya at huwag mong hayaan na masingitan ka ng kalungkutan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-19-25-30-37-46.
CANCER (June 21-July 22) - Aapaw na muli ang iyong kagalakan dahil ang mga taong nakagawa sa iyo nang kamalian at kasalanan ay mamahalin at pasasayahin ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-14-20-23-35-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Habaan mo pa ang iyong pang-unawa, marami ang mapagsamantala ngayon. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto- 11-17-21-27-31-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang kaya mo, iyon lang ang ibigay mo, huwag kang tumulad sa iba na kahit ‘di na kaya sige pa rin nang sige. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-30-35-44-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ingatan mong mahulog ang iyong loob. Mas maganda kung siya ang maiinlab sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-16-24-35-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang malungkot kapag nabawasan ka ng malaki dahil may darating pa rin sa buhay mo na mas malaki. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-12-25-30-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Unawain mo silang mga mabababa. Sa katunayan, kakaawaan mo sila dahil kahit ano’ng gawin nilang pagsisikap ay balewala lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-13-20-22-28-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong abusuhin ang katawan mo. Oo ngayon, sasaya ka pero sa ibang araw ay mararamdaman mo na ang epekto ng sobrang pagod. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-20-24-26-35-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Saya rito at saya ru’n. Walang katapusang saya ang mapapasaiyo. Magkagayunman, huwag mo pa ring kakalimutan ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-21-28-30-31-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit saan ka magpunta puwede kang sumaya. Hinay-hinay lang dahil ang sobrang pagsasaya ay nakakahina ng resistensya at ang mahina ang resistensya ay dinadapuan ng karamdaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-16-20-22-25-44.




Comments