Horoscope | December 23, 2021 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 23, 2021
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 23, 2021 (Huwebes): Taglay mo ang kakayahan sa pagpaparami. Gamitin mo ito sa kabuhayan nang sa gayun ay magkaroon ka ng halos hindi mo mabilang na kayamaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magmadali ka. Huwag mong pansinin kung may hindi ka makuha at maiwanan dahil sa bilis mo. Sa kabuuan, mas marami kang makukuhang pakinabang dahil sa iyong bilis. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-19-20-22-27-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang masyadong maging emosyunal. Ang hindi makiayon sa gusto mo, huwag mong pilitin at hindi rin dapat sumama ang loob mo. May kani-kanyang prayoridad ang bawat tao. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-28-39-40-41-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Patuloy kang makakaranas ng hindi kapani-paniwalang pagdapo ng mga suwerte. Pero kung susuriin mo ang iyong buhay, makikita mong likas kang buwenas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-21-24-37-40-43.
CANCER (June 21-July 22) - Muli, ipinaaalala sa iyo na hangga’t maari ay hawakan mo ang iyong sarili. Mas mahigpit, mas maganda dahil ang taong hindi hawak ang kanyang sarili ay tatangayin ng iba. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-24-28-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mo munang itodo ang pamimigay ng regalo. Ang magandang araw ay sa mismong Pasko. Kapag ngayon ka namigay, maaari kang kapusin at mas marami ang mag-aabang sa iyo dahil sa pagiging mapagbigay mo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-4-19-21-24-28-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sinasabing daig ng maagap ang masipag. Sa ngayon, ang mararanasan mo naman ay daig ng mabilis mag-isip ang masipag na at pursigido. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-23-37-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ang matatanggap mong regalo ay mas maganda pa kaysa sa iyo. Ingatan at mahalin mo ito habambuhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-14-28-34-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang malibang sa masasayang araw. Bilangin mo ang iyong kabuhayan at planuhin mo ang gusto mong mangyari sa susunod na panahon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-21-24-39-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Isang paalala, baka sarili mo pa ang makalimutan mo ngayong Pasko. Mahalagang pinasasaya ang sarili bago pasayahin ang ibang tao. Ito ang susi ng maraming tagumpay na darating. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-14-29-30-33-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pansamantalang hihinto ang orasyon ng iyong kapalaran. Mamamalagi sa mga oras kung saan masayang-masaya ka. Ibahagi mo sa kapwa ang iyong saya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-28-30-31-36-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ang mga pangyayari. Sa huli, magugulat ka dahil maitatala sa iyong “aklat ng kapalaran” na higit sa iba pang panahon ang pinakamasaya para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-24-25-36-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbigay, nakatanggap, may inaasahan pa at may bibigyan pa. Ito ang Pasko para sa iyo, masayang-masaya ka kahit hindi matapos-tapos ang diwa ng pagbibigayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-9-11-15-25-30.




Comments