Horoscope | December 22, 2023 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 22, 2023
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 22, 2023 (Biyernes): Kilalanin mo ang iyong sarili nang sa gayun malaman mo na ang iyong kalakasan at kahinaan, para hindi ka na rin mabigo sa iyong mga ambisyon sa buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag napansin mong nahihirapan kang umusad, huminto ka muna at muli mong balikan ang mga naiplano mo na. Hanapin mo rin ang mga dahilan kung bakit mabagal ang iyong pag-usad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-17-20-27-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang komontra sa mga kagustuhan mo. Hinahadlangan ka nila dahil takot at ayaw nilang magtagumpay ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-21-27-34-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Lakasan mo ang loob mo. Ang mga pagsubok sa iyong harapan ay kusang mawawala kung ipapakita mo ang iyong katatagan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-24-26-30-33.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang mahiyang ikuwento ang saloobin mo sa iyong mga kaibigan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-28-30-35-37-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ituloy mo ang iyong mga plano, Tandaan mo, ikaw lang ang may karapatang baguhin ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-18-25-28-30-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masikip ang daan ng buhay na iyong nilalakaran. Magkagayunman, matatagpuan mo ang iyong sarili na lumakad sa kaginhawahan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-16-24-28-34-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kakayanin mo ang mga pagsubok sa iyong harapan. Nakasalalay dito ang iyong kinabukasan. Kahit mahirapan, huwag kang aatras. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-17-21-25-31-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lihim kang magsaya dahil ang mga suwerte ay mapapasaiyo na. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-18-26-28-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Palakasin mo pa ang iyong katangian upang mas magtagumpay ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-19- 29-31-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mamili! Ang mga taong nasa harapan mo ngayon ay lihim na nakatanggap ng utos mula sa langit na alalayan at tulungan ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-17-26-29-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mapapansin mong paiba-iba ang mga bagay na laman ng isip mo. Ito ay isang malinaw na palatandaan upang gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-15-24-27-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang kontra nang kontra sa iyo, siya pa ang magiging malapit sa’yo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-14-18-20-34-43.




Comments