top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | December 22, 2021 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 22, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 22, 2021



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 22, 2021 (Miyerkules): Pataas nang pataas ang iyong kalagayan. Kapag bumaba ka pa, itataas ka muli dahil ito mismo ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pabayaan ang iyong sarili. Pahalagahan mo ito nang higit sa anumang bagay dahil mababalewala ang lahat ng mapasasaiyo kung hindi mo pahahalagahan ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-20-23-30-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maghiram ka ng magandang ideya sa mga taong papaasenso. Hindi masama ang manghiram dahil ang lahat dito sa mundo ay hiram lang natin sa Makapangyarihang Maylalang sa lahat. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-14-28-30-33-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Kunin mo ang para sa iyo. Ang para sa iba ay ‘wag mo namang kukunin. Ipaglaban mo ang iyong karapatan nang hindi ka lihim na pagtawanan. Hindi kailanman mananalo ang nang-aagaw lamang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-29-36-40-45-46.

CANCER (June 21-July 22) - Kahit manahimik ka, patuloy kang kumilos kung paano mo maigigiit nang todo ang iyong gusto. Sa ganitong paraan, hindi makakaporma ang kalaban mo dahil aakalain niya na humihinto ka nang tuluyan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-13-15-27-30-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hawak mo ang barahang Alas ngayon. Puwede mo itong gamitin sa kasalukuyan, pero ang payo, ireserba mo sa malalaking laban ng buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-21-26-30-35-38-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Papaboran ka ngayon ng nakatataas sa iyo dahil alam nilang malaki ang pakikinabangan sa iyo, kung saan hindi kaya ng iba kayang-kaya mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-29-30-32-35-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayon mo timbangin ang mga pangyayari. Mamumulat ka sa katotohanan na mas magandang makapagplano ka para sa iyong kapakanan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-21-25-34-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka sa malapit sa iyo na alam mong maaari kang masira. Huwag kang makipaglaro sa leon dahil mataas ang posibilidad o panganib na ikaw ay malamon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-19-24-28-36-43.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magparaya ka. Ang malaking bagay na sa biglang tingin na mawawala ay sobrang maliit kung ihahambing sa nagdaratingang mga suwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-24-39-40-44-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumalapit sa iyo ang suwerte mo, pero ang nakakapagtaka ay lumalayo ka naman. Ngayong alam mo na ang takbo ng iyong kapalaran, huwag mong layuan ang lumalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-6-14-15-20-26.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Palayain mo ang iyong sarili sa tanikalang tinalo mo ang iyong damdamin. Ang galit, kapag nabulalas ay nawawala at minsan pa nga ay nagiging pag-ibig ang galit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-14-17-20-35-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasasagap mo ang mga suwerteng nagdaratingan. Ihanda mo ang iyong sarili at itakwil ang mga pangit na ugali at gawi mo nang sa gayun ay hindi masayang ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-18-22-27-35-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page