Horoscope | December 21, 2023 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 21, 2023
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 21, 2023 (Huwebes): Mula sa ibaba, iaangat ka ng iyong kapalaran. Mapapahiya ang mga taong hindi naniniwala sa iyo dahil ang buong akala nila mananatili ka habambuhay sa ibaba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pagkakataon mo na para pakinabangan ang mga proyektong inaayawan ng iba. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-28-39-40-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mayayabang ang makakaharap mo ngayon. Huwag kang masindak. Kadalasan ang nagyayabang ay nagkukunwaring malakas, pero sila naman talaga ang tunay na mahina. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-19-24-26-34-38-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Nasa ilalim ng dagat ang perlas. Hindi ka puwedeng magkulang sa sigasig. Ipakita mong seryoso ka nang sa gayun makuha mo ang ninanais mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-11-16-23-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Tuluy-tuloy ang kakaibang dating ng iyong mga buwenas. Sa mga hindi inaasahang sandali ang magandang kapalaran ay ihuhulog sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-19-28-30-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kambal-suwerte ang para sa iyo. Ibig sabihin, ang panalo ay masusundan pa ng isa pang panalo. Lagi kang magpasalamat sa itaas. Ito ang masuwerteng balita para sa’yo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-25-36-40-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pagbigyan mo ang mga taong walang magandang ginagawa sa iyo. Nakamasid ang langit na kapag nakita niyang hindi ka gumaganti, dadagsa sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-13-23-35-45-47.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag iniingatan ang isang bagay, ito ay magtatagal sa iyong buhay. Ingatan at mahalin mo ang mga nasa sa iyo na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-24-28-31-36-40-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong hayaang gawin ng isang tao ang mga bagay na alam mong hindi makabubuti para sa kanila. Ituro mo sa kanila kung ano ang tama. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-26-33-37-41-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magagandang bagay ang mapapasaiyo kapag hindi mo sinaktan ang kalooban ng taong may pagtingin sa iyo. Iwasan mong magsalita nang hindi maganda sa kanya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-21-27-38-43-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit sobrang makapal at madilim ang ulap, magliliwag pa rin ito sa araw ng bukas. Gayundin ang buhay ng tao, kahit pa sobrang bigat ng mga problema, lilipas din ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-22-25-31-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang magiging kahilingan mo. Huwag kang mag-alinlangan sabihin kung ano ang magpapasaya sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-21-29-35-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mabibigo, kaya lakasan mo ang loob mo. Oo gawin mo na ngayon ang hindi mo nagawa sa nagdaan dahil lang sa naduwag at pinanghinaan ka ng loob. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-11-13-22-26-45.




Comments