Horoscope | December 21, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 21, 2021
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 21, 2021 (Martes): Umaatras man kung minsan ang iyong kapalaran, patuloy pa rin ito sa pagtaas. Kaya wala kang dapat ipag-alala at dapat kang magpasalamat sa langit dahil mula ngayon at sa susunod pang mga taon, patuloy kang pagkakalooban ng magagandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mamamalayan ng iyong mga karibal na angat na angat ka na. Ito ay sa dahilang sobra silang nalilibang sa masasayang kaganapan. Ito ang mensahe iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-14-26-38-40-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nanghihiram ng liwanag ang buwan sa Haring Araw. Ibig sabihin, hindi masama ang manghiram. Maghiram ka ng salapi at susi ng tagumpay sa mga malapit sa iyo at hindi ka nila matatanggihan. Hindi lang ang hiniram mo ang mapasasaiyo kundi pati ang kanilang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-32-37-41-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Sobrang bilis ng takbo ng buhay sa mundo. Kaya walang puwang ang mababagal kumilos, lalo na ang matagal magdesisyon. Huwag mo silang tularan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-7-11-16-22-38.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi magkaintindihan kung ano ang mas maganda, isip o puso ang dapat na maghari sa tao? Sa araw na ito, ang sikreto ng kaligayahan ay nasa utos ng damdamin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-9-17-20-30-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumuha ka ng mga pormula ng pagpapayaman, hindi lang sa isa kundi sa ilan mo pang kakilala. Idagdag mo ito sa mga nasa iyo na. Sa ganitong paraan, maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpintensiya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-21-27-33-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang hihinto sa pag-akyat sa hagdan ng iyong mga pangarap. Puwedeng mamahinga kahit sandali para bumalik ang iyong lakas at muli kang humakbang paitaas. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-6-11-19-20-27-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pigilan ang nagagalit. Hayaan mo itong lumaki nang lumaki. Ilagay mo sa iyong isip na rito sa mundo, ang lahat ay lumilipas din. Sa ganitong paraan, makikita mo na pagkatapos ng galit ay tamis ng pag-ibig. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-24-27-30-41-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka mabibigo ‘pag malinis at dalisay ang iyong puso, pero maaari kang masaktan. Ang mga hindi bagay sa iyong kawagasan ay wawalisin ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-13-15-26-36-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy ang masusuwerteng araw mo at hindi ito mahahadlangan kahit minsan ay parang nakakasingit ang ilang hindi gaanong magandang kagapanan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-18-21-23-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbabago ang lahat sa mundo. Kaya kung may nagbago sa harapan mo, tanggapin mo ito nang maluwag sa loob dahil ang lahat ay para sa mas ikagaganda ng buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-22-27-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sinupin mo ang mga suwerteng magdaratingan sa iyo, lalo na sa susunod na taon. Hindi masama ang mamigay, pero ang huwag mong kalilimutan ay sa ibang araw, ikaw din ay mangangailangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-18-25-31-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakagugulat ang iyong kapalaran dahil sa iyo mapupunta ang suwerteng nasa ibang tao pero hindi pinahalagahan. Sa huli, ang umayaw ay makikitang inggit na inggit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-20-25-30-39-45.




Comments