top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | December 20, 2021 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 20, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 20, 2021



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 20, 2021 (Lunes): Malakas ang iyong pandama. Hindi pa man nagsasalita ang iyong kaharap, nababasa at nalalaman mo kung mabuti o masama ang kanyang motibo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahina ka ngayon. Sinasabing ang tao ay mahina kapag siya ay tinatalo ng kanyang emosyon. Ayaw mo ba na mahina ka? Kung oo, dapat ay kontrolin mo ang iyong damdamin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-20-24-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Namumuo sa puso mo ang hindi maipaliwanag na lungkot. Labanan mo ito. Makinig ka sa masasayang musika at puwede ka ring makipagkuwentuhan sa mga taong masayahin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-15-24-28-30-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Nagtatalo ang isip at puso mo. Sino ang mananaig? Sino pa nga ba, tulad ng dati, puso ang iyong susundin, pero sa huli ay pakikinggan mo rin ang iyong isip. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-20-24-30-31.

CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating ay iyo pa rin. Hindi makakaporma ang mga naiinggit sa iyo. Masisingitan ka lang, pero balewala pa rin. Ito ay panandalian lamang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-22-28-30-33-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mapapansin mo na nagiging negatibo ka. Makabubuting balik-balikan mo ang iyong mga nakaraang tagumpay kung kailan ang malalaking hamon ng iyong kapalaran ay tinalo mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-27-28-30-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - May isang tao na nag-aakala na maiisahan ka niya. Pero ang mangyayari, siya ang iyong maiisahan. Gayunman, masaya pa rin siya dahil ang totoo, kapag masaya ka, siya rin ay masaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-21-28-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapalad ang nagbibigay. Ito ay magkakatotoo sa iyo, lalo na ngayong panahong ng Kapaskuhan. Sa pagiging mapagbigay, dumating na ang sandali na sa mismong langit ay makakatanggap ka ng kakaibang regalo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-20-25-34-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kusang nawawala na parang madilim na mga ulap na natunaw ang mga alalahahin mo sa buhay. Kaya tulad ng sikat ng Haring Araw, muling lalabas ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-18-20-28-30.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masaya ang nakakatulong, pero sobrang nakakainis kapag ang tinulungan ay nakalimot sa tumulong. Mangyayari ito sa pagtulong mo sa kapwa. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-20-21-25-30-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Labanan mo ang takot. Totoo ang sinasabi na ang takot ay nasa isip lamang, kaya ito ay madaling talunin. Minsan, mabuti rin sa tao na huwag pansinin ang laman ng isip. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-18-19-24-29-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sakyan mo lang ang agos ng buhay, dadalhin ka nito sa lugar kung saan makakaharap mo nang mukhaan ang iyong magagandang kapalaran. Muli, sakyan mo lang ang agos ng buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-17-25-26-41-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Naghahanda ang langit sa isang pagkalaki-laking suwerte para sa iyo. Ihanda mo rin ang iyong sarili at ang mga negatibong pananaw ay iyong ibasura. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-12-16-31-39-46.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page