Horoscope | December 2, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 2, 2023
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 2, 2023 (Sabado): Aagos sa kapalaran mo ang mga biyaya at pagpapala. Gayundin, uubra sa kailangan mo ang mga ito. Ito mismo ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bawat biyayang mapapasakamay mo, maliit man o malaki, ingatan mo. Huwag kang tutulad sa marami na dahil sa sinuwerte ay nagsaya at nag-aksaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-19-20-24-38-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kakapal ang laman ng kaban ng iyong yaman kapag napanatili mo ang iyong kabaitan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-29-33-36-46.
GEMINI (May 21-June 20) - Hayaan mo lang ang mga lantad na karibal at kaaway mo sa mga diskarteng akala nila mapagtatagumpayan nila, ‘di nila alam kakapusin sila ng lakas at sigla, kaya nasa iyo pa rin ang huling halakhak. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-1-17-28-30-35-44.
CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang mga araw na ikaw ay masuwerte. Muli ring nagbalik ang mga araw na ang mga naiinggit sa iyo ay mapapahiya sa kanilang mga sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-3-16-19-21-28-30.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magpapatuloy ang pagtulong mo sa mga lumalapit sa iyo kahit ang ilan sa mga ito ay alam mong hindi marunong magpasalamat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-20-22-27-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hihina ang loob mo, pero panandalian lang dahil mananaig pa rin sa iyo ang hangarin mo na tuluy-tuloy kang aasenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-11-16-27-29-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang sarili mo kaysa sa ibang tao dahil hindi makabubuti sa iyo ang pagsasakripisyo. Kapag masaya at masigla ka, ang buhay mo ay patuloy na gaganda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-16-19-25-26-36-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magsaya sa malayong lugar. Ang mga aktibidad ng tao ay dapat pinaghahandaan at hindi puwedeng biglaan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-24-28-30-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malakas ka at mananatiling malakas. Sa katunayan, kahit isipin mong mahina ka, wala itong talab, lalo na sa marami na ikaw ang sandigan at sandalan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-magenta. Tips sa lotto-7-19-24-26-36-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maawa ka dahil ang tao ay dapat may maunawaing puso. Kailangan mo ng magising sa katotohanan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-22-27-31-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon, mahina ang damdamin mo, kaya mas makabubuti na sundin mo ang isip mo kapag patuloy kang tinalo ng iyong damdamin. Mauulit ang dati, ikaw ay magsisisi. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-6-11-17-21-27-38,
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ang pagkakataon mo para makalaya sa sitwasyon na alam mong ikaw ay dehado. Magpasya ka kung kalayaan ang gusto mo o manatiling alipin. Ano ang pasya mo? Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-15-26-34-35.




Comments