top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | December 19, 2023 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 19, 2023

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 19, 2023 (Martes): Huwag kang papatalo sa katamaran lalo na ‘pag nalaman mong suwerte ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan ka masaya, naru’n din ang magandang kapalaran mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-23-29-34-40.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng mga taong gustong maging bahagi ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-18-22-37-39-41.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang papatangay sa saya, minsan ka nang natangay ng saya, at dahil sa sobrang pagsasaya, nakagastos ka ng malaking halaga. Ito ang babala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-17-25-27-34-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kung ano lang ang kasya sa bulsa, ‘yun lang dapat ang kunin mo. Kapag naghangad ka pa, masisira at matatapon lang ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-19-21-26-33.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na inilaan sa iyo ng kapalaran. Kaya anuman ang maisip mong gawin, tiyak na ito ay mangyayari at matatapos. Ano pang hinihintay mo? Kumilos ka na! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-17-22-28-31-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magbigay ka upang ika’y sumaya. Sa katunayan, noon mo pa alam na ang nagbibigay ay mas pinapalad kaysa sa tumatanggap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-15-20-29-34-43.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag mahaba ang pagsasalita, tiyak na may masamang motibo. Kapag ang tao ay ‘di makapagsalita, siya ang tunay na may pangangailangan, ganitong klase ng tao ang iyong tulungan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-9-15-24-35-40.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magkaiba ang larawan sa salamin kaysa sa mismong nakaharap sa salamin. Mag-ingat ka, marami ang pinaganda lang ang personalidad at nagkukunwaring walang kapintasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-18-21-27-33.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hahangaan mo ang mga taong todo-tanggi dahil hindi ka nila dadayain. Mas masarap silang kasama at makapalagayan ng loob kaysa sa mga taong kuha nang kuha agad kahit ‘di naman inaalok. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-9-18-27-33-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kakaibang sigla ang dadapo sa’yo. Sinisigurado ng iyong kapalaran na hindi ka dinadaya ng iyong sariling pandama. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-11-17-22-31-34.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magtaka kung ang magbibigay sa iyo ng mga suwerte ay ang mga taong may lungkot na itinatago sa buhay. Lihim silang sumasaya sa tuwing nakikita ka nilang masaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-13-16-21-29-35.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) Kung ano ang sinabi mo, tuparin mo upang pagkalooban ka ng maraming suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-25-28-30-33-43.

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page