top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | December 19, 2021 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 19, 2021



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 19, 2021 (Linggo): Dahil malamig ang panahon, labanan mo ang katamaran na maaaring tumalo sa iyo dahil sa napakaraming suwerte na nagdaratingan sa buhay mo sa panahon ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka puwedeng malunod sa saya at ligaya. Sa araw na ito, ang kalaban mo ay ang saya at ligaya mismo. Magsaya ka pero huwag mong kalimutan ang paghahanda sa kinabukasan, lalo na sa nalalapit na pagsisimula ng Bagong Taon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-24-38-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magduda sa magandang plano sa iyo ng isang bago mong kakilala. Magtiwala ka, siya ay lihim na ipinadala sa iyo ng langit para makatulong sa pagpapaunlad ng buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-20-21-25-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Mabilis ang takbo ng mga pangyayari sa iyong harapan. At kapag ang pag-aalinlangan ay hindi mo inalis sa iyong isip, maraming magagandang pagkakataon ang maaaring makalagpas sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-24-28-35-42.

CANCER (June 21-July 22) - Nakakatayo ang tao kahit siya ay madapa. Mabigo ka man o bumagsak, ang pagkakataong muling bumangon at magsimula ay palaging mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-17-22-29-38-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tutok lang naman ang kailangan mo sa gusto mong mangyari sa iyong buhay. Kaya ang ibang bagay na wala namang kinalaman sa iyong gusto ay huwag mong bigyan ng espesyal na pansin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-20-28-31-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumuha ka ng lakas mula sa mga tao na alam mong hinding-hindi ka tatanggihan at iiwanan kahit ano pa ang iyong maging kapalaran. Ito ang kahalagahan ng may malalapit na kaibigan. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-6-19-21-27-36-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong hayaan na talunin ka ng sobrang paggastos. Ang buhay ay dapat planado at kapag wala sa plano ang isang bagay o aktibidad, ito ay hindi na dapat pahalagahan pa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-20-24-26-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Papaangat ang buhay ng tao na pinahahalagahan ang munting bagay na nasa kanya na. Rito sa mundo, bumabagsak ang tao na hindi nagpapahalaga sa hawak-hawak na niya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-15-20-26-46.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dobleng saya ang mapasasaiyo sa pamamansyal. Dahil bukod sa talagang sasaya ka, may mga bagong pagkakataong mapaganda mo pa ang iyong buhay na mapasasaiyo rin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-14-27-38-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Talas ng pakiramdam ang pairalin mo. Madarama mo na may pagtingin sa iyo ang dumidikit sa iyo at talas naman ng isip ang magsasabi kung paano mo siya pakikinabangan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-10-13-18-24-29.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napansin mo ba ang maaliwalas na kalangitan? Ito ay nagtutulak sa iyo na liparin ang iyong mga pangarap. Ibuka mo ang iyong mga pakpak para sa iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-25-38-43-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nabubuo ang nasirang relasyon at nagiging mas matamis pa ito kaysa sa dati. Ito ang hiwaga ng pag-ibig na nasira lamang dahil sa taong nakikialam at sa mga tsismosa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-14-15-27-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page