top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | December 18, 2023 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 18, 2023

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 18, 2023 (Lunes): Hindi puwedeng mabigo ka sa ambisyon mo dahil ginagarantiyahan ang iyong kaarawan na ikaw ay magtatagumpay sa buhay.

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo anumang gusto mo dahil tiyak na aalalayan ka ng langit, at ang sinumang magtangkang humadlang ay mababawasan ng suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-9-12-27-33-40.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manghiram ka ng tapang sa mga kilala mong buo ang loob at hindi takot na makipagsapalaran. Tularan mo sila dahil dito sa mundo, inaapak-apakan lang ang mga taong mahihina. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-19-24-33-41.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Bago ka sumugod, kilalanin mo munang mabuti ang susugurin mo. Kapag kapos ang iyong impormasyon at kaalaman, huwag ka munang sumugod. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-12-16-23-33-39.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang mabahala kapag ‘di mo nakuha ang iyong nais. Nangyayari ang ganito dahil sa mga sorpresang suwerte na darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-19-22-26-34-41.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Lumalapit ang nasa malayo at lumalayo ang nasa malapit. Gumawa ka ng paraan, para mas gumanda ang iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-16-19-23-26-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang kakayahan mong magtuos. Ituon mo ito kung kikita ka ba ng malaki o hindi sa negosyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-14-18-21-29-32-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Panoorin mo ang kilos ng mga tao, para may makuha kang aral sa buhay. Samantala, pagmasdan mo ang mga taong ayaw kumilos, at huwag na huwag mo silang tutularan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-27-29-33-36-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag kilala mo na ang ugali o gawi nila, hindi ka na dapat nila maisahan. Kaya lang naman nadadaya ang ibang tao dahil hindi tayo natututo sa nakaraang pangyayari. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-21-27-31-38.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pilitin na maniwala sa iyo ang mga taong makitid ang utak dahil sasakit lang ang ulo mo sa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-23-29-33-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag kumilos ka, lalakas ang loob mo dahil mauunawaan mo sa pagkilos unti-unting nawawala ang kaduwagan ng tao. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-28-36-40-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dumikit ka sa mga taong nagpapasaya sa iyo. Pero, sa mga taong nagpapasakit ng iyong ulo, pag-aralan mo kung papaano mo sila matatakasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-17-19-25-28-36.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi na pinupulot ang nahulog na pagkain kahit na ito ay masarap. Kapag may nawala sa iyo, kahit pa masaktan ang iyong damdamin, ang payo ay hayaan mo na lang siya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-16-23-30-34-40.

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page