top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | December 18, 2021 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 18, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 18, 2021



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 18, 2021 (Sabado): Walang dahilan kung bakit ka mabibigo. Pinagkalooban ka ng lakas ng loob at tapang na magagamit mo sa anumang layunin mo sa buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Simulan mo na ang lalong pagpapaganda ng iyong buhay. Muli, iyung-iyo ang araw na ito at mga darating pa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-17-26-37-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka mabibigo kung kikilos ka nang walang pag-aalinlangan. Lakasan mo ang iyong loob, wala kang dapat na ipag-alala at katakutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-10-24-28-31.

GEMINI (May 21-June 20) - Kakaibang sigla ang iyong madarama dahil malapit na ang Pasko. Mas magandang ituon mo ito sa aspetong pangkabuhayan at pakaingatan mo na ikaw ay maging agresibo sa larangan ng pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-24-27-34-41.

CANCER (June 21-July 22) - Makakalimutan mo na mahina ka dahil lalakas ka na para bang wala nang atrasan kahit sino pa ang makaharap mo. Minsan, maganda rin sa tao ang maging mahina dahil nakokontrol niya ang kanyang sarili. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-19-27-28-30-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang hihinto. Hindi ngayon ang panahon na dapat kang umatras. Maaaring hindi mo alam na ang langit mismo ay gumagawa ng paraan para makuha mo ang iyong mga gusto sa buhay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-10-12-25-27-30.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikilos ka para sa iyong pag-asenso. Mas maganda na ang mga kilos ay nakatuon lang sa iisang bagay. Ang maraming pinagkakaabalahan ay hindi magandang pormula ng tagumpay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-14-16-25-39-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpaawat. Pero hindi mo masisisi ang malalapit sa iyo na kabahan sa mga ikinikilos mo dahil nag-aalala sila na baka ikaw ay mabigo na hindi naman mangyayari sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-23-29-30-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang tahimik na pamumuhay, pero higit na maganda ang maraming kaibigan na handang umalalay sa iyo sa panahon ng kagipitan. Gayunman, piliin mo lang ang mga kaibigang iyong pagkakatiwalaan at maaasahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-28-37-40-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Humingi ka ng tulong o alalay, pero ang lapitan mo lang ay ang hindi naghihintay ng kapalit. Gayunman, sa ibang araw ay ipadama mo sa kanila ang iyong pagtanaw ng utang na loob. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-16-20-23-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo na ang mga hindi mo nagawa sa nakaraang mga araw. Langit mismo ang nasa iyong harapan. Aalisin niya ang mga sagabal sa iyong daraanan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-19-20-28-31-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hinay-hinay lang, lalo na sa larangan ng pakikipagrelasyon. Ang anumang mabilis o pagmamadali ay puwedeng pagsisihan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-16-20-26-27-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbababala ang araw na ito na sobrang magiging galante ka sa kapwa at maging sarili mo. Alalahaning ang isa sa epektibong susi upang hindi magipit ay ang pagtitipid. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-17-21-25-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page