top of page
Search

Horoscope | December 17, 2023 (Linggo)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 17, 2023

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 17, 2023 (Linggo); Matutupad na ang pinapangarap mo sa buhay. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Humugot ka ng lakas sa mga napagtagumpayan mong pagsubok sa buhay. Sa katunayan, marami kang panghuhugutan dahil noon pa man ay tinatalo mo na ang mga hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-21-27-33.42.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipakita mong matatag at matibay ka dahil kapag nakita ng langit na ganu’n ka, magugulat ka dahil malalaki at nakamamanghang kapalaran ang tiyak na ibibigay nito sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-27-31-40-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Nag-iipon ng lakas ang mga suwerte. Tinatayang bago matapos ang araw na ito, maglalabasan na rin ang mga suwerte na labis mong ikagagalak. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-23-32-38-43.

 

CANCER (June 21-July 22) - Nakaalalay sa iyo ang mga taong nagmamahal sa iyo. Ang hindi aalalay sa iyo ay huwag mo nang ibilang sa nagmamalasakit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-7-11-20-26-34.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong patulan ang naghahanap lang ng debate. Nasobrahan na siya sa pagkabagot kaya makikitang ang ulo niya ay umiinit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-22-28-31-35.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mo nang habulin ang mga taong lumalayo sa iyo. Tuluyan mo na silang burahin sa iyong isip at puso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-19-24-27-33-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makakaramdam ka ng kakaibang sigla at masasagap mo na ang masasaya at magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-14-16-18-24-30.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumalabas ang tunay na ugali ng tao kapag siya ay matagal mo nang nakakasama. Suriin mo ang mga naging karanasan mo sa nagdaang mahabang mga araw. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-15-25-29-32-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang ibigay mo. Hindi ka dapat lumagpas sa iyong limitasyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-9-18-21-29-33.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magbawas ka ng mga iisipin, lalo na ang mga alalahanin na gumugulo sa iyong isipan. Mas magandang magsaya at maglibang upang makalimutan mo ang mga suliranin sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-23-28-34-39-43.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang nagpasaya sa iyo, huwag mo silang kalimutan. Huwag mo ring kalimutan ang mga taong iyong kinaiinisan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-13-25-27-35-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tulungan mo ang sarili mo. Sapat na ang kakayahan mo para muling lumago ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-16-23-29-34.

 

 

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page