top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Horoscope | December 17, 2021 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 17, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 17, 2021



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 17, 2021 (Biyernes): Dala mo ay suwerte kahit saan ka mapunta — sa tao man o lugar na bahagi ng iyong buhay. Minsan, mahirap itong paniwalaan pero ito ay isang katotohanan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakatutuwa ang paraan kung paano ka susuwertehin. Sa maniwala ka o hindi, ito ay nagsasabing sa tigas ng ulo mo, may mga suwerteng darapo sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay- purple. Tips sa lotto-3-11-19-20-26-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isuot mo ang paborito mong damit na luma at kikilos ang kapalaran para mabigyan ka ng mga bago. Kapag kumapit ka sa mga lumang aral sa buhay, susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-27-29-30-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Marami ang naniniwala na ang kapintasan mo ay ang sobrang bilis mong magpasya. Sa ngayon, laking-gulat nila dahil sa ipakikita mong mabilis na pasya, bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-25-39-40-45.

CANCER (June 21-July 22) - Pigilan mo ang iyong pag-iyak. Kapag nagawa mo ito, hahanga sa iyo ang langit at magugulat ka dahil ipagkakaloob sa iyo ang kaligayahang noon mo pa inaasam-asam. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-27-28-33-36-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang nagtatanong dahil alam na niya ang sagot. Kung papansinin mo, masaya at matamis na pagpansin para kahit hindi tama ang sagot mo, hindi niya makukuhang magalit sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-20-24-28-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumalas ka kapag mahigpit ang kapit. Hindi maganda sa tao ang nasasakal na parang nakakadena at hindi makagalaw. Kalayaan ang tunay na susi sa wagas na kaligayahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-22-25-39-40-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda sa paningin, ‘yun ang piliin mo. Ang hindi magaganda ay may malaking epekto sa isip at kapalaran ng isang tao. Ito ang hiwaga ng buhay sa mundo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-11-17-25-32-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdagan mo pa ang iyong sikap at sigasig. Ngayon ang tama at masuwerteng panahon sa pagpapatatag ng kinabukasan. Makakaasa ka na matatalo mo ang kahirapan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-21-27-28-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag pinansin mo ang mga kontrabida, mauudlot ang pagsulong ng buhay mo. Dahil ang nahahawa sa hindi magandang kapalaran ang pumapansin sa mga minamalas. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-10-18-22-25-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sa panahong ito ng Kapaskuhan, patuloy ang pag-ulan ng naggagandahang bulalakaw sa kalangitan. Ito ay nagbabalita na ang buhay mo ay uulanin din ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-21-27-31-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang masilaw sa ningning ng masasayang kaganapan. May pagkakataong nabibihag ang tao sa kislap ng mga pangyayari at nakakalimutan ang kanyang kinabukasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-10-18-29-30-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang magpapasaya sa kapwa mo, ‘yun ang gawin mo. Sa ganitong paraan, hindi masasayang ang pagsasakripisyo mo. Kapag isinabuhay mo, maraming biyaya ang magdaratingan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-21-28-32-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page