Horoscope | December 16, 2023 (Sabado)
- BULGAR
- Dec 16, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 16, 2023
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 16, 2023 (Sabado): Hindi ka maiiwanan sa kahirapan dahil ang taglay mong imahinasyon ay sobra pa para mapabilang ka sa lipunan ng mayayaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka ililigaw ng iyong plano. Ang maaaring magligaw sa iyo ay ang pabagu-bago mong naiisip, kaya manatili ka sa naiplano na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-18-24-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gisingin mo ang iyong sarili bilang isang imbentor. Sa ganitong paraan, malayo ang iyong mararating at mapakikinabangan din ng maraming tao ang iyong mga imbensyon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-12-16-27-30-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang mga kilos mo dahil makikialam sa iyo ang iyong isipan. Babaguhin nito ang ilang gusto mong gawin at kapag sinunod mo ang isip mo, mas gaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-14-17-19-29-32.
CANCER (June 21-July 22) - Mahirap paniwalaan, pero isang nakatutuwang katotohanan na ang mga suwerte ay mamamalagi sa tabi mo na kapag kinakailangan mo ay mabilis na magsisidapo sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-10-19-28-34-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makikitang napakarami mong iniisip. Hindi ito maganda dahil ang susi ng tagumpay ay nasa pagtutok ng iisang layunin lang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-13-19-26-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon magsisimula ang pagtahak mo sa landas ng buhay kung saan marami kang matutulungan. Ito ay mangyayari dahil ang mga biyaya at pagpapala ay aagos sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-18-27-29-33-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mananatili kang masaya at parang hindi naaapektuhan ng problema ng iba. Gayunman, sa biglang tingin ay may pakialam ka sa kanila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-27-33-39-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang bago, ito ang magdadala sa iyo ng magagandang kapalaran kaya dapat mong malaman na ngayon ang panahon ng pagkakaroon ng mga bagong bagay at kagamitan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-12-18-26-34-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Manghiram ka ng magagandang ideya at isama mo ito sa iyong ideya. Ang kumbinasyon ng mga ito ay magbibigay sa iyo ng nakagugulat na yaman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-17-14-24-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang malito, kung ano lang ang nahahawakan mo, ‘yun ang sa iyo. Ang mga paparating pa lang ay huwag mo munang ibilang sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-19-22-25-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pasayahin mo ang makakasama mo. Kung ikaw ay nasa bahay, pasayahin mo ang mga nasa bahay. Ito ang susi para magbukas ang pintuan ng grasya na nasa langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-15-18-23-29-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magtanim ka ng kabutihan sa kapwa. Ang nakagugulat na aanihin mo ay ang katuparan ng iyong mga kahilingan sa langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-26-32-40-44
Comments