top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | December 16, 2021 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 16, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 16, 2021



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 16, 2021 (Huwebes): Kailangan mong lisanin ang iyong lupang sinilangan. Hindi ito nangangahulugan na hindi ka na babalik.


Kailangan mo ito nang gumana ang mga suwerte mo na matatagpuan sa malayong lugar.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Natutukso kang mamasyal sa malayo. Magawa mo kaya ito? Ang sagot ay puwede kung ihihinto mo na ang pagsisikap at ilalagay mo sa iyong isip na kailangan mong maglakwatsa muna. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-22-24-25-36-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbalik ang talas ng iyong isip. Tulad ng dati, mabilis na pumapasok sa isip mo ang mga solusyon sa sarili mong problema at problema ng iba. Ito ang nangyayari sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-11-19-20-23-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Ipahiram mo ang iyong magagandang ideya na hawak mo, pero ang pinakamaganda para lang sa iyo. Kailangan ng iba ang mga ideyang galing sa iyo at ito na rin ang regalo mo sa kanila. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-25-27-33-38.


CANCER (June 21-July 22) - Mula sa malayo, darating ang hindi inaasahan. Ibig sabihin, sobrang matutuwa ka. Mula sa malapit, may darating din sa iyong magagandang bagay. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-27-33-38-41-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pabigat nang pabigat ang mga reponsibilidad mo, pero patuloy pa rin ang langit sa pagpapagaan sa iyong mga pasanin. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-15-19-20-22-25.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumukuha ng lakas sa iyo ang mga nakadikit sa buhay mo. Huwag kang mabahala dahil langit mismo ang magdaragdag ng lakas mo para sa iyo at para sa ibang tao. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-17-21-25-26-34-36.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maghanap ka ng bago at magbabago ang takbo ng kapalaran mo dahil kung hindi ka na masaya, kailangan mong maghanap ng magpapasaya sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-24-27-28-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magtiwala ka sa iyong sarili dahil kailangan mong patuloy na nakatingin sa magandang hinaharap. Hindi puwede na balik-balikan mo ang mga sanhi ng iyong kalungkutan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-19-20-21-22-25.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag nalibang ka, aatras ang pag-abante mo. Ibig sabihin, magpatuloy ka sa pagsisikap dahil ang tunay na pormula ng pagpapayaman ay ang patuloy din na pagsisikap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-21-24-26-30-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang maniwala sa iba. Ang totoo nga, sila ang dapat na maniwala sa iyo dahil hawak-hawak mo ang mga susi upang magtagumpay ka sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-25-26-33-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nanlalamig na ang mga karibal mo dahil patuloy silang bigo sa pag-awat sa pagdating sa iyo ng magagandang kapalaran na mas nagpapasarap sa buhay mo. Inggit na inggit sila habang ikaw ay patuloy na susuwertehin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-29-30-31-37-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahalaga sa iyo ang mga araw na ito dahil kapag nakita ng langit na seryoso ka sa buhay, reregaluhan ka nito ng sobrang magandang kapalaran. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-21-24-34-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page