Horoscope | December 15, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 15, 2021
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 15, 2021 (Miyerkules): Paparami ang naiinggit sa iyo dahil sa totoo lang, gumaganda pa nang gumaganda ang kapalaran mo. Ito ang mensahe para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maaakit ka sa magaganda. Huwag mong paniwalaan na hindi mabuti kapag ang maganda sa paningin ang pinili ng tao dahil ang bawat maganda ay inspirasyon ang dala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-23-28-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ganito ang sabi, “May kani-kanyang takdang panahon ang lahat ng bagay.” Ang masayang balita ay nagsasabing, ngayon ang panahon para sa mga binabalak mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-14-21-24-33-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Higit kaninuman, ikaw ay may malakas na karisma ngayon. Huwag mo itong sayangin sa ibang bagay dahil ang karismang ito ay dapat itutok sa kung paano ka makikinabang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-13-22-28-30-37.
CANCER (June 21-July 22) - Kusang lalapit sa iyo ang mga taong handang bigyan ka ng masarap na buhay. Kaya lang, hindi nila alam na maninindigan ka sa kung ano ang kasalukuyan mong kalagayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-24-31-37-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumikilos ang iyong kapalaran nang hindi mo namamalayan na magreresulta sa pagkawala sa iyo ng mga taong walang ginawa kundi ikaw ay paulit-ulit na dinadaya at sinisira. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-21-29-30-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bumabagal ang galaw ng iyong kapalaran, pero ito ay isa pa ring magandang balita dahil ang mga suwerteng para sa iyo ay makakahabol pa para lalong gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-18-28-31-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling kikilos ang langit kung saan ang mabibigat na pagsubok sa iyong harapan ay aalisin. Ang mga matitirang pagsubok ay iyo nang kakayaning mag-isa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-14-21-23-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo na kailangan ang malalaking pagkilos para gumanda pa ang buhay mo. Sapat na ang iyong mga ginawa para makatiyak na ang buhay mo ay papaasenso nang papaasenso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-25-26-34-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibahagi mo sa iyong kapwa ang ilan mong suwerte. Ito ang susi nang sa gayun ay bumaha nang todo ang magagandang kapalaran sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-22-28-34-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iwasan mong magalit, sumama ang loob at ang sobrang mainis. Kapag hindi mo nakontrol, ang mga ito ay magreresulta sa pagkaantala ng pagdating ng mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-17-18-20-27-31-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Walang magagawa at mapapahiya ang lahat ng kontrabida sa buhay mo. Ngayon at sa ilang araw pang darating, walang makakapigil sa pagdapo sa iyo ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-17-24-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ngayon ang panahon ng kalungkutan, kaya mawawala ka sa lugar kapag hinayaan mong maalipin ka ng lungkot. Magsaya ka at tiyak na bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-12-14-28-30-34.




Comments