Horoscope | December 14, 2021 (Martes)
- BULGAR
- Dec 14, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 14, 2021
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 14, 2021 (Martes): Bilis ang magdadala sa iyo ng mga suwerte. Talas ng isip ang sandata ng iyong kapalaran. Ang dalawang ito ay magpapayaman sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bawat kilos ay pag-aralan mo munang mabuti. Puwede mo ring tularan ang “kilos, hinto at obserba.” Ito ang sikreto ng maraming nagtagumpay sa kani-kanilang larangan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-20-29-31-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makipagsapalaran ka at muli kang mananalo. Ipinaaalala sa iyo na ang buhay ay isang pakikipagsapalaran kung saan ang hindi sumali sa laro ng buhay ay mapabibilang agad sa talunan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-29-30-35-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ibahagi mo sa kapwa ang mga biyayang mapasasakamay mo dahil ang nagbibigay ay lalong binubuwenas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-23-28-35-41.
CANCER (June 21-July 22) - Labanan mo ang iyong pagiging mahiyain. Sa araw ng pagsasaya, dapat makibahagi ka sa mga pagkakataong mapasaya ang kapwa at ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-19-30-32-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi sapat na dahilan na may pinagdaraanan ang isang tao para hindi siya kumilos para sa kanyang paghahanda sa kinabukasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-7-11-15-28-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umaayon ang langit sa iyong mga plano. Huwag ka nang magdalawang-isip, kumilos ka na at mabilis mong ipatupad ang mga plano na magpapaunlad sa iyong buhay. Ang pagkilos na ito ay dapat ngayon na. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-15-29-38-42-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit ka maduduwag dahil may sumasalungat sa gusto mo? Tularan mo ang saranggola na habang kinokontra ng malakas na hangin ay lalong tumataas ang lipad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-18-21-26-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Labanan mo ang iyong sarili na ayaw magpasya agad. Sa pagdadalawang-isip, marami ang oportunidad na pinalalagpas. Sundin mo ang payo nang hindi ka manghinayang. Magpasya at kumilos ka agad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-26-28-36-38-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakatutuwa ang mga nag-aakalang kailangan mo ang kanilang tulong. Sabagay, tama lang na tulungan mo sila dahil habang tumutulong ka, mas maraming biyaya at suwerte ang iyong matatanggap mula sa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-9-11-16-27-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan ka masaya, ‘yun ang gawin mo. Kaya kapag masaya ka na nag-iisa, gawin mong mag-isa ka lang. Kung masaya ka sa mga kaibigan, sumali ka sa kanila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-19-28-34-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ka dapat magpasya at mapabubuti ka. Kapag matagal kang magpasya, sa maniwala ka o hindi, magkakamali ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-19-28-30-32-38-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang gusto ng marami, ‘yun din ang gustuhin mo. Sa ngayon, ang nakararami ang masusunod at ang sumalungat ay malulungkot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-14-18-26-28-30.




Comments