top of page

Horoscope | December 13, 2023 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 13, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 13, 2023

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 13, 2023 (Miyerkules): Suwerte ang hatid mo sa mga magpapakita sa iyo ng maganda dahil may suwerte sa katawan mo, puwede mo rin ito magamit sa sarili mong kapakanan.

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kalma lang. Huwag mong patulan ang nakakainis na kilos at pananalita nila. Bakit mo ibaba ang iyong sarili? Lumayo at umiwas ka na lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-9-18-27-33-42.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Palampasin mo ang araw na ito. Pansamantalang mamahinga at maghintay ka upang gumanda ang takbo ng panahon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-21-30-39-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Mahirap ito gawin, pero subukan mo pa rin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-14-23-28-33-39. 

 

CANCER (June 21-July 22) - Maglaan ka ng oras sa pagbabalik-tanaw sa mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-11-19-25-28-35.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi masama ang umiwas sa kaibigan ‘pag ang iyong kaibigan ay nalihis ng landas. Huwag mo na pagtangkaan na itama siya, dahil malabong mangyari ‘yun. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-7-19-24-31-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Humihina ang malakas at ang mahina ay lumalakas. Ito ang hiwaga sa buhay ng tao na kapag ginamit mo sa mga karibal mo, tiyak na magtatagumpay ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-17-20-26-31-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong intindihin ang mga taong namimintas sa iyo. Hindi mo kailangang magpaliwanag sa kahit na sino. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-25-29-34-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mapapalaban ka at aakalain mong matatalo ka. Sa katunayan, ang kalaban mo ang susuko sa iyo dahil sa lahat ng kanyang nakaharap ikaw ang pinakamalakas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-7-21-29-35-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dadami ang magsisikontra sa iyo, ‘wag mo silang pansinin. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-18-24-36-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - May binabalak silang masama laban sa iyo, pero wala siyang magagawa dahil mula noon at hanggang sa ngayon ay pinatatag ka ng iyong mga karanasan sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-22-31-38-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dati ka nang nagkunwaring mahina. Muli kang magkunwari upang muli mo silang madaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-8-17-28-35-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang papayag na pangunahan ka ng hindi mo naman lubusang kilala pa. Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang pagtuunan mo ng pansin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-20-29-34-45.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page