Horoscope | December 12, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 12, 2023
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 12, 2023 (Martes): Hahawak ka ng maraming tao dahil sa ganito ka itinalaga ng iyong tadhana. Simula nang ikaw ay isinilang, ikaw ay taga-utos at hindi alipin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iangat mo pa ang iyong sarili sa mas mataas na lebel. Samantalahin mo ang magandang pagkakataon na malaya mong nagagawa ang iyong mga kagustuhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-19-25-29-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na sadyang inilaan sa iyo. Anuman ang isipin, planuhin at ikilos mo, ito ay tiyak na matutupad at magkakatotoo. Kaya ‘wag kang magpaplano at kikilos nang ‘di maganda, dahil maaari rin itong magkatotoo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-20-26-34-39-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Mabilis na pagkilos ang susi ng tagumpay. Kaya sa araw na ito, ‘wag kang babagal-bagal. Bilisan mong tapusin ang lahat ng bagay na iyong ginagawa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-17-28-33-35-44.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi sinasadyang itinaas ka ng iyong mga kaaway. Ibig sabihin, dahil sa kanila mas gaganda pa lalo ang iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-21-29-37-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Matamis ang bunga ng pinagsikapan. Kaya kahit na may kasarapan ang iyong buhay, mas piliin mo pa ring magpursigi. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-24-35-47-48.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka na parang hawak-hawak muna ang iyong gusto. Ito ang susi ng tagumpay na nagsasabing kapag inangkin ang nasa isip pa lamang, tiyak na aangkinin din ito ng realidad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-21-23-26-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Papabor sa kagustuhan mo ang mga nakatataas. May ilang kokontra, pero sa huli ay makikiisa rin sila para bigyan ka ng kasiyahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-19-20-25-31-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naaayos ang anumang problema. Tulad ng tubig na nahulog sa lupa, sa huli ay napapanatag na rin ang galaw. Ito ay isang lihim ng buhay na iyo ring mauunawaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-24-26-32-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Gawin muna anumang gusto mong gawin. Ang langit mismo ang makakalaban ng mga taong kumokontra sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-20-33-38-40-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumikit ka sa matataas upang tumaas din ang iyong kalagayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-21-24-29-36-48.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang paboran mo siya rin ang papaboran ng langit. Kalabisan na kung sabihin kung sino ang kagalitan mo ay kagagalitan din ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-10-18-29-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Dapat alam mo ang ginagawa ng taong masuwerte. Gawin mo agad kung alam muna! Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-18-24-27-30-43.




Comments