top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | December 12, 2021 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 12, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 12, 2021



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 12, 2021 (Linggo): Mapapasunod mo ang mga nasa paligid mo dahil noon pa man, taglay mo na ang kakayahang utusan ang iyong kapwa.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Manguna ka. Pangunahan mo ang pagbabago dahil ngayon ang tamang panahon para isantabi, itago at ‘wag nang gamitin pa ang mga makalumang kaugalian. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-13-30-33-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magdagdag ka pa. Huwag kang makuntento sa kung ano ang mayroon ka ngayon. Walang sinumang may hawak sa hinaharap kaya ang mas maganda ay sikap nang sikap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-12-24-39-40-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Angat na ang antas ng iyong kabuhayan. Pero wala kang dapat ipag-alala dahil mas lamang ang pag-angat kaysa sa pagbaba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-24-27-34-36.

CANCER (June 21-July 22) - Yakapin mo ang magagandang aral na natutunan mo mula sa iyong mga kabiguan. Ito ang magsisilbing susi mo nang sa gayun ay hindi na maulit pa ang masaklap mong karanasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-18-22-28-35-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang wala ka, ‘yun ang hanapin at idagdag mo sa iyong pagkatao. Sa ganyang paraan, magsisimula kang suwertehin at paboran ng langit. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-19-20-29-30-34-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magdalawang-isip dahil ito ay sagabal sa mabilis na pag-asenso. Madalas, ito rin ay nagreresulta sa panghihinayang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-21-29-30-31.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kikiling ka sa nagagandahan ka. Wala namang masama sa ganito dahil bakit nga ba pipiliin ang hindi naman nakakaakit sa paningin? Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-23-38-45-46.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dapat maging mapagpigil ang malakas. Dahil malakas ka ngayon, dapat kontrolin mo ang iyong galit. Ang mas maganda, ikaw ay dapat na maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-14-15-26-34-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang maganda nito, iyo pa rin ang mga araw na darating. Ngayon mo na simulan ang mga proyektong hindi mo itinuloy dahil pinanghinaan ka ng loob. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-23-25-34-39-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papatagin ng langit ang kabuhayan mo, kaya lang, baka hindi mo agad maunawaan dahil ang paraan ng langit, minsan ay hindi abot ng isip ng tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-14-18-29-30-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi dapat magmadali sa lahat ng bagay, lalo na ngayon. Kung babalikan mo ang nakaraan, ang madalas na dahilan ng iyong kabiguan ay ang mabilis kang magpasya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-21-25-28-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pabago-bago ang lagay ng panahon at ikaw ay magpapabago-bago ng isip ngayon. Pero ang masayang balita ay nagsasabing sa huli, kung ano ang pinakatama na maiisip mo, ito ay kusang ipagkakaloob sa iyo ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-7-23-28-33-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page