ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 11, 2023
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 11, 2023 (Lunes): Malakas ka kaya malalakas din ang kadalasang nakakabunggo mo. Gayunman, huwag mong papatulan ang mahihina. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo lang ang kaya mo. Kadalasan, ang nagkakasakit ay ang mga nagpupumilit na kayanin ang bagay na hindi naman talaga kaya. Ang isang karamdaman ay puwedeng magbunga ng isa pang karamdaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-6-18-27-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli, maging mapagmatyag at makiramdam ka. Kaya lang naman naiisahan ang tao ay dahil sa sobrang kumpiyansa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-15-24-31-38-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Mamuhunan ka at kikita ka. Ito ang batas sa pagnenegosyo. Sa tamang produkto mo dapat ilaan ang iyong puhunan. Kailangan mo itong malaman kung gusto mong magnegosyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-19-22-28-34.
CANCER (June 21-July 22) - May magtatangkang lamangan ka dahil aakalain niyang mahina ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-7-16-25-34-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ipakita mo ang iyong malaking puso. Ibig sabihin, pakitaan mo ng maganda ang iyong tinalo. Sa pakikipaglaban, ang nananalo ang dapat magbigay ng alalay sa kanyang mga tinalo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-16-23-33-40-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong patulan ang wala sa katwiran dahil kapag siya ay iyong pinatulan, dalawa na kayong wala sa katwiran. Umiwas ka na lang at siya ay layuan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-5-14-21-32-41-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gumawa ka ng kabutihan sa hindi mo kilala. Sa ganitong paraan, matutuwa sa iyo ang langit, kaya tatanggap ka malalaking biyaya at gaganda ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-8-11-22-25-30.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lalambot ang puso mo dahil likas kang mapagparaya sa mahihina. Ang dapat na katapat ng malakas ay malakas din. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-21-28-36-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag hindi ka sinunod, huwag kang magalit. Kapag hindi eksakto sa gusto mong mangyari ang iyong nakikita, kontrolin mo ang iyong sarili. Mas maganda ang maging mahinahon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-15-24-27-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ihanda mo ang iyong sarili dahil magbabago ang takbo ng iyong buhay. Hindi ka dapat mabigla kapag may mga magaganap na hindi mo gusto. Ito ay para mabigyang-daan ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-17-22-26-38-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Itabi mo ang galit at hayaan mong dumaloy ang pag-ibig. Ito ang dapat mong gawin ngayong nagpapakita na ng kabutihan ang iyong kinagagalitan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-11-20-29-32-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Simpatya ang ipadama mo sobrang nalulungkot. Gumagaan ang mga saloobin kapag may nagpapakita ng suporta at pagpapahalaga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-16-25-28-34-40.
Comments