Horoscope | December 10, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 109, 2023
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 10, 2023 (Linggo): Kahit pa marami kang pagkakamali, ang mga suwerte ay tuluy-tuloy pa ring mapapasaiyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang pabigla-bigla. Ito ang iyong iwasan dahil kailangan mong paghandaan ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-9-17-25-28-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka matatablan ng mga paninira dahil ang lahat ng paninira nila ay magsisibalik din sa kanila. Kaya ipanatag mo ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-18-24-33-40-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Bibigyan ka ng pagkakataon makapili kung ano’ng daanan ang gusto mo. Ang una, masayang daan at madaling lakaran. Samantalang ang ikalawa, masayang daan ngunit mahirap daanan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-16-21-32-35-39.
CANCER (June 21-July 22) - Magdadatingan ang mga suwerte mo, rarami na naman ang mga kaibigan mo pero ang higit na marami ay ang mga maiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-29-36-38-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-ingat! Hindi lahat ng nakangiti ay may magandang motibo. Kapag labi lang ang nakangiti at ang mga mata ay hindi, tiyak na may iniisip silang ‘di maganda. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-15-21-26-42-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pagdamutan ang mga taong hindi ka pinagbigyan sa nakaraan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-26-37-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka masaya, ru’n ka. Nabubuhay ang tao hindi para malungkot. Ang pagiging malaya ay may kakambal na kaligayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-12-24-33-39-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pilitin na tapusin ang bitin. Sa muling pagbabalik ng mga pangyayari, ang mga hindi natapos ay magkakaroon na ng wakas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-19-27-31-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit hindi mo pa ganap na nakukuha ang iyong gusto, mangarap ka pa rin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-21-27-33-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong tanggihan ang mga taong humihingi ng tulong sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-17-26-32-39-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang mayroon siya ang dapat na magbigay. Kung sino ang wala siya ang dapat bibigyan pero sa pagkakataon ito, ikaw na mayroon ang siya pang magkakaroon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-22-32-38-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung nahihirapan kang isagawa ang isang bagay, magpalit ka ng paraan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-11-16-28-37-45.




Comments