Horoscope | December 10, 2021 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 10, 2021
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 10, 2021 (Biyernes): Aani ng magagandang kapalaran ang iyong mga pagsisikap. Pero ang magpapaganda ng buhay mo ay ang pagiging likas mong masuwerte.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang magpapasaya sa iyo, gawin mo. Hindi sa lahat ng sandali ay magsasakripisyo ka alang-alang sa ibang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-20-26-31-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapos na ang araw ng iyong kalungkutan. Nagsimula nang kumilos ang iyong kapalaran na nagsasabing ang masasaya at nakamamanghang pangyayari ay darating na sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-18-26-29-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi lang ang mga tao sa iyong paligid ang sumasaludo sa iyo dahil maging ang langit ay napahanga mo sa biglang pagsasakripisyo mula sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-14-16-25-27-32-43.
CANCER (June 21-July 22) - Lahat ay bago para sa iyo. Ito ang pasya ng langit. Masasaktan ka pero sa huli, magpapasalamat ka sa langit dahil ang mga bago sa buhay mo ay para sa ikauunlad pa nito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-13-22-32-35-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hanapin mo ang wala sa iyo dahil magsasawa ka sa mga bagay na nasa iyo na. Ito ay sa dahilang anumang sandali ay aatake ang matinding pagkabagot. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-23-28-31-43-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumayo ka sa problema, pero ang unang layuan mo ay takot na hindi mo napapansin na puro problema ang hatid sa iyo. Sa ganitong paraan, luluwag ang buhay mo at gaganda pa ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-22-24-31-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Suko sa iyo ang nagkukunwaring matapang at nagsasabing hindi ka niya kailangan. Ngayon ay aaminin niya na hindi pala puwedeng wala ka sa buhay niya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-15-26-28-30-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakagugulat ang iyong kapalaran ngayon at sa mga araw pang darating dahil ang mga bituin sa langit ay kusang kumikilos para mabigyan ka ng mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-25-27-33-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang nagpapapansin dahil masasayang lang ang iyong mga oras. Itutok mo ang iyong sarili sa mas kapaki-pakinabang na mga aktibidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-27-36-40-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi naman mahalaga kung gusto o ayaw mo ang pangyayaring sa una ay hindi mo maintindihan kung bakit nagaganap. Sa huli, ito ang pagmumulan ng iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-25-28-33-35-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Minsan, sa buhay dumarating ang mga surpresa. Tulad ngayon, labis ang magiging saya mo. Ang malalaking pangarap mo ay biglang magkakatotoo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-ochre yellow. Tips sa lotto-8-19-27-32-38-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsaya ka at sasaya ka. Pero sa totoo lang, kahit piliin mong mabuhay sa kalungkutan, pasasayahin ka pa rin ng langit sa pamamagitan ng mga hindi inaasahang suwerteng mapasasaiyo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-22-31-35-39-42.




Comments