Horoscope | December 1, 2023 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 1, 2023
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 1, 2023 (Biyernes): Ibahagi mo sa iyong kapwa ang ilan sa mga hawak mo. Ibabahagi naman sa iyo ng langit ang mga biyaya para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bigyan mo ng pribilehiyo ang mahihina at walang kakayahang makuha ang kanilang gusto. Magpaubaya ka upang pagkalooban ka ng mga biyaya ng langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-15-21-33-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang sarili mong kakayahan at maging matapang ka. Kung ano ang kaya mong gawin, ‘yun ang dapat mong gawin. Huwag mong abusuhin ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-17-25-34-38-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Tumulong ka. Mabigat ang mga magaganap ngayon, pero ‘pag ito’y pinagtulung-tulungan, mapagtatagumpayan mo rin ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-14-26-31-39-44.
CANCER (June 21-July 22) - Labanan mo ang nadarama mong lungkot. Pansamantala lang naman ang nagaganap na paghihirap ng lahat. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-16-20-29-35-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-ingat ka. Sa dami ng lumalapit sa iyo, walang katiyakan kung ano ang aabutin mo. Mas magandang isabuhay mo ang madalas na paglilinis ng iyong katawan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-19-28-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit na nag-aalangan ka, ituloy mo pa rin ang iyong laban. Ang mga nagtagumpay ay nakadama rin ng pagkabahala kung saan parang sila rin ay naduwag. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-24-29-32-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magugulat ka dahil ang inaakala nilang pagsubok na ‘di mo mapagtatagumpayan ay isang maling akala lang pala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-6-18-22-38-40-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Unahin mo ang iyong pamilya bago ang iba. Ito ay hindi isang makasariling ugali. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-27-31-34-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon mo makikita ang kahalagahan ng may naiipon kahit pakonti-konti. Kaya sa mga susunod na araw, kapag gumanda na ang sitwasyon, muli mong isabuhay ang pag-iipon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-9-12-24-31-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Distansya ang pinakamahalaga ngayon, kaya dumistansya ka muna sa mga tao, lalo na sa mahal mo sa buhay. Ang pag-iingat ay dapat isabuhay sa panahon ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-17-20-22-35-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang mga naiinggit sa iyo. Ang inggit ay walang kinikilalang panahon, gayundin, ito ay sakit na mas malala kaysa sa kasalukuyang salot. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-27-29-31-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang nasa hapag-kainan, ‘yun muna ang pagtiyagaan mo. Pagkatapos ng lahat, puwede kang kumain nang bongga kung saan ka sobrang sasaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-19-22-34-39.




Comments