Horoscope | December 09, 2021 (Huwebes)
- BULGAR
- Dec 9, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 09, 2021
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 9, 2021 (Huwebes): Wala kang hindi kaya kapag talagang ginusto mo. Kaya ang maraming tagumpay ay naghihintay sa landas ng buhay na iyong nilalakaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawak mo ang iyong kapalaran ngayon. Huwag mong sayangin ang magandang prebilehiyong ito, kaya kumilos ka ayon sa iyong ambisyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-19-25-28-38-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang nasa harapan mo, ‘yun ang kunin mo. Huwag kang tumulad sa iba na ang gusto ay malayo pang mangyari na maaaring hindi magkatotoo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-15-24-27-30-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ipilit ang gusto mo. Maghintay ka ng tama at magandang oportunidad. Palipasin mo ang mga pangyayaring para bang nakakontra sa kagustuhan mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-21-33-37-40-44.
CANCER (June 21-July 22) - Kumuha ka muli ng lakas sa mga nakaraan mong tagumpay. Kung pag-aaralan mo ang nakaraan, makikita mong gamit ang iyong natutunan, hindi ka nakakaranas ng kabiguan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-11-19-25-31-34-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pahiramin mo ng lakas ng loob ang pinanghihinaan ng pag-asa. Ang totoo, ikaw ang madalas na panggalingan ng lakas ng mahihina. Habang pinalalakas mo ang loob nila, lalo kang sinusuwerte at binibigyan ng mga pagpapala. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-22-28-31-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi puwede ang puro na lang plano dahil hindi ka aasenso. Kumilos ka ayon sa una mong plano. Sapat na ito at hindi mo kailangang magpalit ng mga naiplano mo na. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-13-29-32-43-48.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sundin mo ang mapilit kaysa siya ay magalit. Sa huli, mauunawaan niya na mali ang ipinipilit niya at sa pagkakataong ito, siya na ang susunod sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-15-27-29-37-49.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdagan mo pa ang iyong mga pangarap kahit ang iba ay hindi pa napasasaiyo. Ito ang sikreto nang dumami ang magagandang kapalaran na nasa iyo na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-27-23-32-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag ang tao ay mahilig sa maganda, maganda rin ang mapapasakanya. Nakatutuwa, pero ito ay sadyang nangyayari. Kaya sa maganda ka lang dapat tumingin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-27-33-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pumapangit ang kapalaran ng taong palaging galit at hindi ka dapat matulad sa kanila. Mas mabuting pagmasdan mo ang lahat ng bagay nang may pag-ibig sa iyong mga mata. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-22-29-33-47.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hahanga ka sa malakas ang loob. Ingatan mo na lumabis ang iyong paghanga. Maaaring mahulog ang loob mo at huli na kapag nalaman mong hindi siya masarap mahalin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-22-25-38-41-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahirap maunawaan na rito sa mundo, ang nakalimutan na ay naaalala pa at ang nagkalimutan na ay nagkakabalikan pa. Maghanda ka sa muling pananariwa ng pagmamahalan na akala mo ay nalanta at nabulok na. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-7-16-23-24-32-41.




Comments