Horoscope | December 08, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 08, 2021
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 8, 2021 (Miyerkules): Malakas ka at mas masuwerte, kaya lang, ang lakas at suwerte mo ay magagamit ng iba kung papayag ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Didikit sa iyo ang isang nag-aakala na hindi siya masuwerte, pero ang pagsasanib ninyo ay magbubunga ng malalaki at magagandang kapalaran. Ito ang mensahe ng araw na ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-24-29-33-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Napakalakas ng iyong damdamin na nagsasabing, kapag nagmahal ka, sobra sa sagad. Ito ay mapanganib dahil maaaring maargabiyado ka sa dakong huli. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-12-14-24-31-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magpapatangay sa iyong emosyon. Mas magandang kontrolado mo ang sitwasyon at panatilihing nakabukas ang iyong isip. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-23-27-33-36-40.
CANCER (June 21-July 22) - Malambot ka ngayon, kaya wala kang lakas na ipatupad ang gusto mo. Dahil dito, maaaring sobrang uminit ang ulo mo dahil sa maling ipagagawa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-20-25-35-48.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mangyayari ang hindi mo gusto, pero sobrang matutuwa ka at hindi makakapaniwala. Ang biglaang suwerte ay mapasasaiyo mula sa mga magaganap na ayaw na ayaw mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-19-28-36-43-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ay araw mo at ang mga araw pang darating ay ganundin. Walang magagawa ang mga karibal at kakumpitensiya mo kundi ang mamangha sa magagandang bagay na mangyayari sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-22-28-32-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong sayangin ang iyong lakas at panahon sa mga taong makulit at magpapilit. Sa una lang sila mukhang malakas, ngunit sa huli ay makikitang sila ay wala nang puwersa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-24-33-47-49.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nag-iipon ng lakas ang mga suwerte mo. Pero may mangilan-ngilang suwerte na magpaparamdam sa iyo bago dumating ang isang nakagugulat at malaking buwenas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-29-38-40-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mapapalaban ka sa taong napakahirap intindihin. Bago tuluyang sumakit ang ulo mo, umiwas ka o kahit labag sa loob mo, umayon ka na lang sa mga sinasabi niya. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-18-27-30-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Biglaan at kagulat-gulat ang paglakas ng iyong suwerte at kahit ikaw ay magugulat. Ang huwag na huwag mong kaliligtaan ay ang suwerte ay dapat mahalin at alagaan nang hindi ito masayang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-22-31-37-40-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sumisingit ang malamig na panahon ngayong Disyembre. Ito ay palatandaan na ang mga suwerte mo ay namumuo sa mga ulap kung saan anumang oras ay puwedeng mahulog sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-13-20-28-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakabahan ka, pero hindi mo alam kung bakit. Ito ay sa dahilang nasasagap mo ngayon ang naglalakihang suwerteng papalapit sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-20-29-34-42-49.




Comments