top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | December 07, 2021 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 07, 2021



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 7, 2021 (Martes): Isinilang ka na taglay mo ang mayamang imahinasyon. Puwedeng-puwede kang yumaman kapag sa negosyo mo ito itinutok.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbababala ang araw na ito na ililigaw mo ang iyong sarili. Dahil dito, huwag na huwag kang magbabago o mag-iiba ng mga naiplano mo na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-25-29-33-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo paunlarin ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kaalaman. Huwag mo agad subukang gawin. Pamalagiin mo lang muna ito sa iyong isipan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-24-28-33-39-47.


GEMINI (May 21-June 20) - Sa araw na ito, maniniwala ka sa hindi totoo. Ang nakatutuwa pa, ito ay ipaglalaban mo, pero ang masayang balita, sa huli ay magigising ka sa katotohanan na nagkamali ka. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-17-22-31-36-39-45.


CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo ang iyong damdamin. May babala na maaawa ka sa hindi dapat kaawaan at siya ay iyong mamahalin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-7-14-23-29-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-ingat ka! Kapag malaki, huwag kang maniwala. Kapag madali, huwag ka ring maniwala at kapag mabilis, huwag kang maniwala. Ang mga ito ay senyales na dadayain ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-18-29-38-40-47.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maganda ang humingi ng payo, ngunit ang hindi maganda ay ang nahihiyang manghingi ng payo. Ang mga ito ay para sa iyo ngayon. Unawain mo ito, sapagkat sa sandaling naunawaan mo, ito ang susi mo sa pag-asenso. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-27-29-43-49.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kanino ka maniniwala, sa palaging nasa tabi mo, sa nagsasabing siya ay palaging nasa likod mo o sa palagi mong nauutusan? Hindi sa kanila, bagkus, ang paniniwalaan mo ay ang palaging pinangungunahan ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-12-19-24-29-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang sumunod sa mahihigpit na utos. Ang ilagay mo sa iyong isip ay ang kaligayahan ay nagmumula sa pagiging malaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-20-27-33-39-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magsimula ka sa ibaba. Ito ang tunay na sikreto upang mapunta sa itaas. Ang hindi nakakaunawa rito ay mabibigo lamang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-18-27-30-35-47.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pasakitin ang iyong ulo dahil sa mga malapit sa iyo. Mas maganda na pumunta o mamasyal sa malayo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-16-22-37-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malayo ngayon ang distansya n’yo ng iyong karelasyon kahit aktuwal na malapit siya sa iyo. Ito ay dahil ang laman ng isip mo ay ang mga lugar na magagandang pasyalan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-19-23-25-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon, sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba kundi ang palaging nakakontra sa iyo at sila rin na lihim na naghahangad ng iyong pagbagsak at kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-25-28-31-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page