Horoscope | December 06, 2021 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 06, 2021
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 6, 2021 (Lunes): Pinagaganda ng kapalaran ang buhay mo kahit madalas ay kumikilos ka nang wala sa lugar. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabalita ang iyong kapalaran na ang buhay mo ay magkakaroon ng pagbabago, partikular sa mga prayoridad mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-21-24-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Higit sa inaasahan mo ang mapasasaiyo. Lubusang magagalak ang puso mo kung saan mag-uumapaw ang kasiyahan ng iyong kalooban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-27-33-39-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Magsasabay-sabay ang dating ng mga suwerte mo. Ito ay nagbababala rin na maaari kang magkaroon ng labis na tiwala sa iyong sarili na hindi makabubuti sa iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-19-21-34-37-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang laman ng isip mo, ito ay magkakatotoo. Kaya huwag na huwag kang mag-iisip ng masama sa kahit na sino dahil muli, kung ano ang laman ng isip mo ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-20-25-23-48.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magpasalamat ka sa langit sa pamamagitan ng pagbibigay-saya sa mga nasa ibaba na nakalimutan na dahil hindi pinapansin ng karamihan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-28-35-40-49.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tapusin mo ang kailangang matapos. Ito ang susi nang magdatingan sa iyo ang marami pang pagkakakitaan. Hindi makabubuti sa iyo kapag dumami at naipon ang mga hindi mo natatapos. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-16-22-29-32-48.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bigyang-saya mo ang iyong sarili dahil noon pa man at hanggang ngayon, kapag masaya ka, sinusuwerte ka. Ito rin ay nagsasabing huwag mong pansinin ang iyong mga kabiguan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-18-28-33-39-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumakatok ang mga bagong kabanata ng iyong buhay. Pagbuksan mo ang mga ito tulad ng pagtanggap mo sa mga bagong kaibigan at kakilala na ikaw ay punumpuno ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-13-17-31-40-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mamasyal ka dahil ngayon ay panahon ng pamamasyal. Sa pamamasyal, may mapupulot kang magagandang aral sa buhay na iyong mapakikinabangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-18-22-29-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang nakikita mo, ‘yun na ‘yun. Huwag mong dayain ang iyong sarili na naghahanap ka pa ng ibang katotohanan na walang sapat na batayan para lang hindi ka masaktan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-8-13-28-36-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napakabilis ng pagdating ng mga suwerte mo sa larangan ng kabuhayan. Kung maaabutan ka na ang inaasikaso mo ay ibang bagay, ang panghihinayang ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-15-19-22-28-34-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka na parang hawak-hawak mo na ang suwerteng gusto mong mapasaiyo at ito ay magkakatotoo. Ang kumikilos nang postibo ay positibo rin ang makukuhang resulta. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-19-25-34-37-49.




Comments