Horoscope | December 04, 2021 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 04, 2021
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 4, 2021 (Sabado): Masuwerte ka. Dahil dito, marami ang gagamit sa iyo para sila ang suwertehin. Ang payo ay unahin mo ang iyong sarili bago ang ibang tao.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang makipaglaro sa leon. Dahil ang nakikipaglaro sa panganib, kadalasan ay nagsisisi sa huli. Kung makikipaglaro ka, tiyakin mong hindi ikaw ang dehado. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-24-39-36-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maghanap ka ng magpapasaya sa iyo. Higit kailanman, kailangan mo ang saya. Ang lungkot ay makikitang mamumuo sa iyong damdamin at ito ay hindi makabubuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-10-14-21-25-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung ayaw sa iyo, hayaan mo. Ang hindi nila alam, ang kanilang inaayawan ay ang suwerte nila na walang iba kundi ikaw. Kaya kapag tinanggihan ka nila, sila ay aani ng masaklap at nakakahiyang kamalasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-12-17-20-24-32.
CANCER (June 21-July 22) - Lalapit sa iyo ang nakahahawang tao. Wala silang sakit, pero ang nakakahawa sa kanila ay ang pangit nilang kapalaran, kaya umiwas ka agad nang hindi pumangit ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-29-30-32-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahihilig ka sa pagkain. Ito ay dahil muling nagbalik ang iyong sigla at kasabay nito, magbabalikan din ang mga araw kung kailan mas masuwerte ka kaysa sa mga pangkaraniwang nilalang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-18-24-33-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bigyan mo ng espasyo ang nasasakal at bigyan mo ng laya ang gustong lumaya. Sa ganitong paraan, ang mga proyekto ay mabilis na maisasagawa nang walang hadlang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-9-11-14-20-21.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makibahagi ka sa karamihan. Ito ang susi nang hindi ka siraan ng mga walang magawa. Siraan ka man nila, makakaasa ka na marami ang magtatanggol sa iyo at sa bandang huli, ikaw pa rin ang magtatagumpay. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-19-28-30-33-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Ang anumang kalabisan ay nagbababala ng paghina ng katawan at kalusugan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-17-21-28-38-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong harapin nang mukhaan ang labis na kumokontra sa iyo. Mas magandang hayaan mo lang muna siya at makikita mo na sa huli, siya ay magiging kaibigan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-22-28-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pahinga ang iyong kailangan sa katawan at sa isipan. Mas magandang mamasyal sa nakakaaliw at masayang tanawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-19-26-38-39-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Harapin mo ang pinakamahigit mong kalaban at tiyak na ikaw ang mananalo. Ang iba pang kakalaban sa iyo ay tiyak na matatalo, mapapahiya at magmumukhang kawawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-25-27-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nahihirapan ka ba? Oo, dahil kailangan mong mahirapan muna bago magsidapo sa iyo ang nakagugulat at mahirap paniwalaang naglalakihang mga suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-16-25-29-33-34.




Comments