Horoscope | December 03, 2021 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 03, 2021
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 3, 2021 (Biyernes): Kahit gaano karami ang mga pangarap mo sa buhay, ito ay tiyak na mapasasaiyo. Huwag kang hihinto kapag may isa o dalawang pangarap ang nakuha mo na dahil tiyak na marami pa itong magiging kasunod.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pinatatag pa ang iyong kabuhayan kaya mapapansin mo na marami kang gustong pasukin na proyekto na alam mong para sa iyong ikabubuti. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-23-28-34-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa may pangarap at magkakaroon ka rin ng pangarap. Dumikit ka sa mga nagtagumpay at ikaw ay tiyak na magtatagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-12-14-24-39-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Ihinto mo ang iyong ibang tinututukan at ituon mo sa iisang hangarin ang iyong kasiglahan at sigasig. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran para bumilis pa ang iyong pagyaman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-15-16-20-21.
CANCER (June 21-July 22) - Isang hakbang paatras, dalawang hakbang pasulong. Sa ganitong paraan, hindi na makakahabol ang iyong mga kalaban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-13-27-30-33-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang masusunod ngayon, pero puwede ring ikaw ang maging tagasunod. Mas makabubuti sa iyo ang una kung saan ikaw ang magmamando. Marami ang kumikilala sa galing at husay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-22-24-37-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aangat ka pa, kaya ang payo ay huwag munang makuntento. Hindi dapat masayang ang araw na ito na pabor sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-20-23-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit gabi, may negosyong umaasenso. Ipinaaalala ng iyong kapalaran na kahit madilim, ang buhay ng isang tao, ito ay puwede pa rin niyang paunlarin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-16-23-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagsimula ang lahat sa wala, kaya mali ang iyong akala na dahil wala kang puhunan kaya hindi ka yayaman. Ito ang ilagay mo sa iyong isip dahil ito ang sikreto ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-21-23-38-40-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibinalik ng langit ang mga araw kung kailan hawak mo ang iyong kapalaran. Kaya para sa iyo, puwede mong maabot ang anumang gusto mong maging ikaw. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-25-37-41-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong palagpasin ang masuwerteng panahon na ito para simulan ang mga proyektong mag-aangat ng iyong kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-12-29-30-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong sayangin ang mga kaloob sa iyo ng malapit sa puso mo. Gamitin mo ito sa pagpapaganda ng buhay mo. Huwag mong ilagay sa mga wala namang kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-13-15-28-30-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang napasasaiyo, paramihin mo. Kaya kung ano ang nasa iyo, huwag mong bawasan, sa halip ay muli iyong paramihin. Magagawa mo ito dahil may suwerte ka sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-17-23-35-40.




Comments