top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | December 02, 2021 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 2, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 02, 2021



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 2, 2021 (Huwebes): Huwag kang magsasawang tumulong sa iyong kapwa dahil ang langit ay hindi rin magsasawa na pagkalooban ka ng suwerte sa buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ilalapit ka ng iyong kapalaran sa lugar kung saan mo matatagpuan ang pahinga dahil nakitang masyado kang tutok sa pagpapaangat pa ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-14-25-39-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi makagaganda sa iyo ang magsayang ng lakas at isip sa isang bagay na alam mong imposibleng mangyari. Mas magandang ipaubaya na lang sa langit ang magaganap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-23-25-30-39-40-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakakapagod ang saya, kaya marami ang naghahanap ng bagong pakikipagsapalaran, pero hindi ipinapayo sa iyo na tumulad ka sa kanila. Pahinga lang ang para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-9-25-38-41-46.


CANCER (June 21-July 22) - Ngayong papalapit na ang Kapaskuhan, bago mo iuwi ang biniling damit, isukat mo muna. Huwag kang masyadong matuwa sa bagong nagpapakita sa iyo ng interes. Muli, sukatin mo muna ang damit na iyong kursunada. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-13-28-34-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mawawala ang galit mo kahit gaano pa ito katindi. Dahil ang totoo sa tao, ang galit ay humuhupa rin naman. Huwag mo nang dagdagan ng kung anu-ano’ng pagsasalita ang sigalot. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-17-20-21-23-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mahalaga kung tama ang katwiran dahil ang mas magandang pahalagahan ay kung sino ba ang iyong kaharap. Kung siya ay mahalaga para sa iyo, pahalagahan mo ang kahilingan nila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-10-11-14-28-30.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napansin mo ba na papalamig ang panahon? Naalala mo ba na sa panahong nagdaan na malamig ang simoy ng hangin, ang magagandang kapalaran ay nagdatingan sa iyo? Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-5-12-24-28-33-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong baguhin ang gusto mong negosyo dahil may nakita kang negosyo ng iba na sa tingin mo ay maganda. Nasa iyo ngayon ang bagay na bagay sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-19-20-24-26-30.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-isip ka ng bagong paraan, ‘yung sasaya ang mga nasa paligid mo dahil tama ang nasa isip mo na nakakabagot na nakakatamad na ang araw-araw na galaw ng buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-22-27-35-38-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magsisimula na namang maglitawan ang mga bituin sa maliwanag at maaliwalas na kalangitan at magsisimula kang suwertehin, kaya humiling ka at ito ay bibigyang katuparan ng mga bituin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-17-25-39-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagsisimula ang lahat sa una. Ngayong nagkaroon ka na ng una, umaasa ka at tiyak na magdaratingan na sa buhay mo ang maraming kasunod nito. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-14-18-22-25-30-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang kilala mo na, sa kanya ka magtiwala. Mag-ingat ka sa paglapit sa mga hindi mo naman talaga kilala. Muli, mag-ingat ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-23-37-40-44.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page