Horoscope | December 01, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 01, 2021
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 1, 2021 (Miyerkules): Malabong mapigilan mo ang iyong sarili sa pagtulong sa kapwa kahit ang marami sa kanila ay dinadaya ka lang. Dito ka masaya, kaya tuloy mo lang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit hindi mo na tutukan ang pagpapayaman, yayaman ka pa rin dahil ang pundasyon ng iyong magandang kinabukasan ay matatag at matibay na noon pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-22-23-30-35-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa masayahin at ikaw ay susuwertehin. Dumikit ka sa may kaya at gaganda ang buhay mo. Ang mangyayari, kung ano at sino ang dinidikitan mo ay magigng ganu’n ka rin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-24-39-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Luwagan mo ang iyong buhay, ibig sabihin, magbawas ka ng tinututukang gawain. Ang hindi pagsunod sa nasabing payo ay maaaring magresulta sa kawalan ng pag-usad ng kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-15-21-27-31-45.
CANCER (June 21-July 22) - Kaya ka nagiging sunud-sunuran ay dahil kusa kang nagpapaalapin. Kapag nagdesisyon ka na ikaw ang masusunod, puwedeng-puwede at ito talaga ang kailangan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-22-27-35-37-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Buwenas ka ngayon. Kahit hindi o pinaghirapan, ang magandang kapalaran ay dadapo pa rin sa iyo. Kahit marami kang kahinaan, ang langit ay palagi kang nauunawaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-17-22-34-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Piliin mo kung ano ang mabuti at pumanig ka sa tama. Ang totoo nga, kahit hindi sabihin, tiyak na ito ay ang iyong gagawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-24-27-35-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tama ka, bakit mo pahihirapan ang iyong sarili? Pero kahit pa piliin mong mahirapan, aalisin ka rin ng iyong kapalaran sa mahirap na sitwasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-18-20-21-23.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Hindi maganda sa isang tao na siya mismo ay pinahihirapan ang sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-15-25-39-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bibigyan ka ngayon ng pagkakataong iangat ang iyong buhay, kaya huwag mo itong sayangin. Ngayon mo na isagawa ang matagal mo nang balak na magnegosyo dahil tiyak na aasenso ka. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-23-28-30-35-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Habang ang iba ay kung saan-saan nakakarating para lang hanapin ang kanilang suwerte, ikaw ay makikitang kusang nilalapitan ng mga ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-16-24-28-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ito gabay ng kapalaran dahil ito mismo ang iyong mararanasan kung saan ang inaakala mong hindi para sa iyo ay mahimalang yakap-yakap mo na. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-24-27-30-34-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahina ka kahit hindi mo aminin. Pero dahil mahal ka ng langit, bibigyan ka ng makakaagapay mo, na kung pagpapasyahan mong mahalin, ikaw din naman ay papayagan ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-27-31-33-38.




Comments