Horoscope | August 31, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 31, 2021
Sa may kaarawan ngayong Agosto 31, 2021 (Martes): Palaging nakabukas ang mga kamay mo sa pagtulong sa kapwa. Ang payo ng kapalaran ay huwag mong kalimutan ang iyong sarili.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mo na kailangan pang unawain ang isang kaibigan. Ang magkaibigan ay hindi nag-iiwanan kahit hindi nagkakaintindihan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-18-21-24-28-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang lumingon sa kaliwa dahil baka matukso ka sa pagkakasala. Huwag ka ring tumingin sa kanan dahil baka magbago ka pa ng pasya. Ituloy mo lang ang paglakad sa tamang landas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-29-30-35-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Bakit mo pakikinggan ang mga salungat na ipinapayo sa iyo? Ang totoo, higit mong alam kung ano ang makabubuti para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-24-26-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong hayaan na lumabas ang pagiging emosyunal mo. Naaantala ang pagsisigasig kapag nagpapatalo sa damdamin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-14-16-20-29-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mahalaga kung may kakampi ka o wala. Ang importante ay hindi pa nawawala ang ningas ng pag-asa na alam mong matutupad mo ang iyong mga pangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-22-28-30-31-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka sa mga kakilala mong walang pangarap sa buhay. Sila ang nabubuhay sa kasalukuyan na hindi pinahahalagahan ang kanilang hinaharap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-22-23-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang makihalo sa gulo ng iba. Kadalasan, ang nakikialam ay nakakagalit ng dalawang hindi magkaintindihan. Mas maganda na manahimik ka na lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-19-28-31-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakikita ng nanonood lang kung ano ang maganda at tama. Siya rin ay may natutunang ginintuang mga aral sa buhay. Mas magandang panoorin mo ang buhay sa mundo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-20-21-24-27-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahihiwalay ka sa karamihan kapag hindi ka nakisakay sa agos ng buhay. Hindi ka dapat mapag-iwanan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-18-22-25-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Awit ng pagmamahal ang naririnig na mga huni ng ibon. Dumating na ang takdang panahon ng pagsusuyuan. Lakasan mo ang iyong loob nang maranasan mo ang magmahal. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-18-22-23-39-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kulang na sa tamis ang buhay mo ngayon. Matamis sa una pero tumabang dahil hindi na nagbabago ang takbo ng bawat araw para sa iyo. Kaya pagbabago ang kailangan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-17-22-28-33-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan ka masaya, roon ka. Ito ang payo sa panahon ngayon para sa mga katulad mong hindi gaanong naniniwala sa tradisyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-14-22-27-30-31.




Comments