Horoscope | August 26, 2021 (Huwebes)
- BULGAR
- Aug 26, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 26, 2021
Sa may kaarawan ngayong Agosto 26, 2021 (Huwebes): Ipagpatuloy mo lang ang pagsisikap na matupad ang iyong mga pangarap. Huwag kang mag-alala dahil hindi ka mapabibilang sa mga sikap nang sikap pero walang nangyari sa kanilang pagpupursigi.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi umaatras ang mga suwerte mo. Kumukuha lang ang mga ito ng malakas na buwelo nang sa gayun ay malubos ang kaligayahan sa puso mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto17-20-24-30-33-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ingatan mong mahawa sa hindi mabubuting gawi at ugali. Inaasahan ng langit na mabubuhay ka sa magandang asal na magdadala ng katuparan ng iyong mga ambisyon sa buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto4-11-16-22-27-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Magtatangka ang lungkot na talunin ka, pero ang lungkot ay mabibigo. Ikaw ay likas na masayahin at nabubuhay sa positibong pananaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto19-26-28-30-31-35.
CANCER (June 21-July 22) - Nagpapalitan ang araw at gabi habang ang mundo ay buhay na buhay. Huwag kang mabahala sa pagpapalitan ng lungkot at saya dahil ito mismo ang magpapaganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto7-19-21-23-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit hindi mo na kaarawan ay patuloy ka pa ring bibigyan ng regalo ng langit. Sa pagkakataong ito, magaganda at malalaki talagang suwerte ang matatanggap mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto6-11-18-21-24-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka nang kumilos. Ang taong kilos nang kilos, kahit kailan ay hindi mabibihag ng kabiguan at dumarami ang naiipong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto9-13-25-31-36-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ganito ang sabi ng isang sikat na awit, “Huwag mong ipangako ang bukas!” Para sa iyo, huwag mong isagad ang hawak mo dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto8-13-21-28-30-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsaya ka dahil malapit na ang kaarawan mo at kapag kaarawan mo na, ibig sabihin ay malapit na rin ang Pasko. Habang nagsasaya ka, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto19-21-29-36-45-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kailangan mo ang ilang araw ng pamamahinga dahil ikaw ay makikitang sobrang abala sa mga bagay na may kaugnayan sa iyong propesyon at pamilya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto18-25-26-34-39-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibibilang agad sa mga bigo ang naduwag sa laban ng buhay. Bakit ka maduduwag? Balikan mo ang iyong nakaraan kung saan nanalo ka sa hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-tangerine. Tips sa lotto1-12-17-20-24-27.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Harapin mo ang mga darating na araw na punumpuno ng positibong pananaw. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran na nagsasabing, mapasasakamay mo ang maraming biyaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto18-20-26-27-35-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasasagap ng sarili mo ang nagdaratingan na masusuwerteng araw para sa iyo. Ito ang magpapalakas ng loob mo kaya mapabibilis ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto8-15-16-21-27-30.







Comments