ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 25, 2024
Sa may kaarawan ngayong Agosto 25, 2024 (Linggo): Ikaw ang magpapalakas ng loob ng iyong kapwa dahil mas malakas ka kaysa sa mga pangkaraniwan. Ito ang banal na misyon mo sa lupa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong talikuran ang mga hindi mo magawa ngayon. Magpalakas ka para magagawa mo na ang mga ito. Masuwerteng kulay-magenta. Tips sa lotto-9-11-15-18-24-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magparaya ka. Hahangaan ka ng langit at sa huli, iaangat ka nang higit sa iyong pinagbigyan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-6-17-20-24-27-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Makakasagupa ka ng mabigat na hadlang sa gusto mong gawin. Pero kusa rin itong maglalaho kapag nagpakita ka ng tibay at katatagan. Masuwerteng kulay- brown. Tips sa lotto-8-10-15-29-31-39.
CANCER (June 21-July 22) - Mataas ang lebel ng iyong pagkatao ngayon dahil kaya mong patawarin ang taong hindi humihingi ng tawad sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-22-26-28-35-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Isang pagkakataon ang lalagay sa iyong harapan kung saan mapupunta ka sa ibaba, pero marami kang matututunan na mag-aangat sa iyo sa mas matayog na kalagayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-13-15-24-29.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi namamatay ang pag-ibig. Pansamantalang hindi nararamdaman, pero may pagkakataong muling magbabalik. Ganito ang iyong mararanasan ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-18-21-28-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nadadapa ang tao, pero siya ay may tuhod kaya muli siyang bumabangon. Masasaktan ka, pero muli kang tatayo para harapin ang mga bagong pangako ng kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-16-23-25-39-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Walang makakapasok kapag nakasara ang pinto. Muli kang ngumiti dahil ito ang susi para mabuksan ang nakasara mong puso. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-24-26-37-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sanay kang mag-isa dahil malakas at matatag ka. Pero ang mas maganda pa rin ay ang ikonsidera mo ang paghahanap ng panghabambuhay na makakasama. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-10-18-27-30-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran dahil kahit wala kang gawin at kahit makagawa ka ng pagkakamali, ang mga suwerte ay magsisidapo pa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-25-39-41-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bagong gamit, bagong kapalaran. Ibig sabihin, bago ang iyong kailangan kaya ‘wag mong ipilit na manatili sa luma. Sa ganitong paraan, ang tunay na saya ay mapasasaiyo na. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-15-29-36-40-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag may sumalungat sa kagustuhan mo, lihim kang matuwa dahil ayon sa kapalaran mo, bago ka lapitan ng malaking suwerte, may mararanasan ka munang hadlang sa daraanan mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-2-17-20-27-30-42.
Comments