top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | August 20, 2021 (Biyernes)

BULGAR
Aug 20, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 20, 2021


Sa may kaarawan ngayong Agosto 20, 2021 (Biyernes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na hindi ka mauubusan ng magagandang kapalaran dahil hinahangaan ka ng langit sa iyong kabaitan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pupunan ng langit ang mga pagkukulang mo. Ang mga kahinaan at kapintasan mo ay babalewalain nito. Dahil nakita naman ng langit na ang gusto mo ay gumanda ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-14-29-33-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo muna ang iyong makakaharap dahil may ilan na ang porma ay may sinasabi, pero wala namang maaasahan sa kanila kundi salita lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-17-21-25-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Habang dumarami ang naiinggit sa iyo, lalong dumarami ang humahanga sa iyo. Magiging dahilan ito ng lalo pang panggigigil ng mga taong naiinggit sa iyo. Mag-ingat ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-17-20-25-39-44.


CANCER (June 21-July 22) - Kunin mo ang wala sa iyo at huwag mo nang pansinin pa ang mayroon ka na. Ito rin ang sikreto upang lumigaya pa ang buhay mo, lalo na sa larangan ng pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-24-25-31-33-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang nasa iyo na. Huwag mong hayaang mapunta sa iba, kaya ito ay iyong ingatan, pahalagahan at alagaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-18-27-35-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Baguhin mo ang naiplano mo na at itugma mo sa mga kasalukuyang nagaganap. Hindi masama ang pabago-bago at ang hindi maganda sa buhay ng tao ay ang matigas ang ulo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-3-18-28-30-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magpapalit ngayon ang panahon na nagsasabing ikaw na nasa ilalim ay mapupunta sa itaas. Panatilihin mong nakasayad ang mga paa mo sa lupa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-12-25-34-39-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mag-alala. Ang naradama mo ngayon ay dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ibinabalita sa iyo na darating na ang mga araw na bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-27-33-36-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bigyan mo ng oras ang malalapit sa buhay mo. Hindi naman kailangan na maghapon o buong araw. Kahit ilang sandali lang ang ilaan mo dahil ang mahalaga ay sumaya sila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-20-29-31-37-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dagdagan mo pa ang iyong kilos nang sa gayun ay mas marami kang makuha sa mga suwerteng nasa paligid mo. Gawin mo at hindi ka manghihinayang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-10-15-16-24-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka dapat maapektuhan ng problema ng ibang tao. Magsaya ka kahit sila ay may mga problema. Mas maganda ito kaysa naman makasama ka pa sa problema nila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-21-28-39-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humingi ka ng payo sa pinagkakatiwalaan mo at huwag na huwag kang hihingi ng payo sa kung sino-sino lang dahil ikaw ay maaaring mapahamak. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-23-28-34-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page