Horoscope | August 19, 2021 (Huwebes)
- BULGAR
- Aug 19, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 19, 2021
Sa may kaarawan ngayong Agosto 19, 2021 (Huwebes): Timbangin mo ang iyong buhay. Makikita mo na maraming masusuwerteng bagay ang sumasaiyo at kung sisinupin, hindi ka magsisisi at manghihinayang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gumagaan ang buhay kapag may saya sa bawat kilos o galaw. Huwag mong kaliligtaan na paminsan-minsan ay hindi ka dapat masyadong seryoso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-23-28-35-46.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong hayaan na makalagpas ang magagandang oportunidad na nasa sa iyong harapan. Mamili ka kahit isa lang sa mga ito nang sa gayun ay umangat pa ang buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-8-11-15-25-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka mabibigo, sa halip ay sobrang matutuwa ka kapag patuloy na nilakasan mo ang iyong loob sa mga hamon ng kapalaran na nasa iyong harapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-10-20-28-35-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang nagpapasaya sa iyo, ‘yun ang magugustuhan mo. Gayunman, walang garantiya na kayo ay magiging panghabambuhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-13-25-27-37-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang mag-alinlangan dahil para sa iyo ang nasa harapan mo. Noon pa man, nakalaan na sa iyo ang mga ito, pero ngayon ang tamang araw para mapasakamay mo ito. Muli, ito ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-28-29-33-38-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bakit hindi ka makikipagsapalaran? Duwag ka ba at mahina ang loob mo? Ang buhay sa mundo ay pakikipagsapalaran, kaya hindi ka dapat maging negatibo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-22-29-31-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makalilimutan mo ang iyong mga alalahanin dahil ang saya at ligaya ay lalagay sa tabi mo. Yakapin mo ang mga ito tulad ng pagyayakapan ng dalawang nagmamahalan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-11-13-28-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ingatan mo ang iyong kalusugan. Mawawalan ng kabuluhan ang mga naipundar mo kapag pinabayaan mo ang iyong sarili na nagsasabing, ang sobra sa trabaho ay hindi mabuti sa tao. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-19-20-27-32-38-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mababaw ang ilog na maingay. Kaya baka magkamali ka na ang palasalita, sa totoo lang ay kapos na kapos sa kaalaman. Salita lang nang salita ang mga ito upang hindi mahalata ang mga kahinaan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-18-21-29-30-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na iaabot sa iyo ng langit ang suwerte, kaya hindi ka dapat tumanggi. Sunggab lang nang sunggab sa lahat ng magagandang oportunidad na iaalok sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-20-28-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napansin mo ba na nag-aawitan ang mga ibon, kung saan ang mga awit ay awit ng pag-ibig? Ngayon ang masuwerteng araw para muli kang umibig. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-19-23-26-34-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagdaratingan ang mga suwerte mo. Mas magandang ihanda mo ang iyong sarili na ang kailangan mo ay maging masinop at ang hindi mo kailangan ay ang pagpapasaya ng mga kaibigan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-10-13-15-26-39.







Comments