top of page

Horoscope | August 14, 2021 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 14, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 14, 2021 (Sabado): Sa pagnenegosyo ka yayaman, kaya magnegosyo ka na ngayon. At kapag nakaranas ka ng hindi magandang pangyayari, magnegosyo ka pa rin. Ito ang mensahe iyong kapalaran.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibilis ang pagpapasya mo, pero huwag kang mag-aalala dahil ang pagiging mabilis ay nagsasabing iiwanan mo nang milya-milya ang mga karibal mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-23-29-31-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makislap na bagay ang iyong pampabuwenas, kaya magsuot o gumamit ka ng mga bagay na may kislap. Huwag na huwag ka munang gagamit ng mga luma at kupas na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-16-20-39-40-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Iyong-iyo ang araw na ito. Ngayon mo na hilingin sa langit ang iyong pinakagusto kahit may pagkaimposible o mahirap itong mangyari. Sapagkat sa araw na ito, gagawa ng paraan ang langit para sumaya ka. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-39.


CANCER (June 21-July 22) - Mabilis kang mapapasang-ayon ngayon. Lumayo ka sa alam mong mandaraya at mapagsamantala. Gayundin, layuan mo ang may gusto sa iyo na wala nang karapatan pang magmahal. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-26-28-33-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ipakita mo ang iyong pagiging masayahin dahil sa ganitong paraan, ang mga suwerte ay magsisilapitan at mananahan sa iyong kapalaran sa mahabang panahon pang darating. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-20-21-39-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maging abala ka kahit pa wala kang tiyak na pagkakaabalahan. Ito ang sikreto para muling manariwa ang iyong magagandang kapalaran. Gawin at sundin mo ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-22-27-34-39-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Paparami ang gustong mapalapit sa iyo. Ang masaya at nakatutuwang balita ay marami sa kanila ang puwede mong pakinabangan kung gugustuhin mo. Oo, sila ay mapakikinabangan at gawin mo na ito ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-18-20-24-31.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ilantad mo ang iyong magagandang katangian. Walang halaga ang mga alahas at ginto, gaanuman ito kamahal kung nanatili sa taguan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-26-32-43-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bawal sa iyo ang maging tamad, nananamlay, walang ginagawa at nananahimik lang. Para suwertehin ka, kailangang gumagana ang iyong mga kamay, paa at isipan. Paganahin mo ang mga ito ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-26-39-42-46.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lalakas ang mga suwerte mo kapag nakita ng langit na masaya ka. Kaya labanan mo ang kalungkutan at mas maganda ay makipagkuwentuhan ka sa masasayang nilalang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-21-27-30-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Harot, lambing at pagiging palabiro ang iyong kailangan sa panahong ito ng iyong buhay. Sa ganitong paraan, ang lungkot ay lilisan at ang magagandang kapalaran ay muling dadapo sa iyong kapalaran. Ito ang mensahe ng langit. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-11-13-22-24-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran, kaya wala kang dapat sisihin kapag nabigo ka kundi ang sarili mo lamang. Ito ang mensahe para sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-21-29-30-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page