top of page

Horoscope | August 07, 2021 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 07, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 7, 2021 (Sabado): Kailangan mo ang paminsan-minsan o madalas na pagpunta sa malalayong lugar dahil ito mismo ang sikreto ng pananariwa ng iyong kapalaran.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang tumulad sa iba na tinatakot ang sarili sa mga negatibong puwedeng mangyari. Kumilos ka tulad ng dati kung saan nag-uumapaw ang iyong sigla at sigasig. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-29-24-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong ikalungkot ang kagustuhan mo na hindi natuloy ngayon. Ang higit na nakakaalam kung ano ang pinakamabuti sa buhay ng tao ay ang kanyang kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-17-20-36-38-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Lumapit sa kapalaran mo ang bituin na nagbibigay ng masaganang buhay. Hindi ka nito iiwanan hanggang sa ikaw na ang magsabi na nakakasawa ang masarap na buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-20-24-37-42.


CANCER (June 21-July 22) - Magaganap sa buhay mo ang pagkilos ng gulong ng kapalaran para mawala ang mga hindi naman nakatutulong at pabigat lang sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-14-23-38-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi naman masama ang tumulong sa kapwa, pero ang hindi maganda ay napababayaan ang pansariling pangangailangan na inuuna pa ang ibang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-17-20-29-33-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Palipat-lipat ng tirahan ang naghahanap ng suwerte. Kaya lalong hindi niya nakakadaupang-palad ang magagandang kapalaran. Huwag kang matukso na siya ay tularan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-25-28-33-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong ipilit na mapasaiyo ang alam mo namang hindi mo kaya ang ugali at gawi. Kasalanan sa sarili ang nagsusumiksik sa mali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-14-25-30-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pansinin ang madilim at makapal na ulap sa iyong kapalaran ngayon. Tatangayin din ito ng malalakas na hangin at ilalayo sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-7-22-28-37-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na napakaraming pagbabago ang magaganap sa iyong buhay kung saan mas gaganda sa dati at mas lalo ka pang yayaman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-21-22-28-30-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang iyong masasaksihan dahil masasabi mong totoo pala na ang lumalakad nang matulin ay nadadapa. Ito rin ang magsisilbing aral ng buhay para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-23-26-41-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi lang naman sa sariling karanasan natututo ang tao. Panoorin mo ang mga kaganapan sa buhay ng isang malapit sa puso mo, marami kang matututunang bagay sa kanyang karanasan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-19-27-37-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isang hindi nakikitang sinag ang guguhit sa iyong kapalaran. Ang kanyang pangalan ay ‘sinag ng masaganang buhay’. Ngayon ito magsisimula at hindi na maaawat pa ang iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-17-29-31-33-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page